Robin ipagtatanggol ang mga talunang contestant sa Talentadong Pinoy ng TV5 | Bandera

Robin ipagtatanggol ang mga talunang contestant sa Talentadong Pinoy ng TV5

Reggee Bonoan - August 13, 2014 - 03:00 AM


HINDI naniniwala sa ghost month ang TV5 dahil sa Sabado (Agosto 16) na ang airing ng Talentadong Pinoy hosted by Robin Padilla, Mariel Rodriguez at Tuesday Vargas.

Kadalasan kasi ay walang bagong show kapag buwan ng Agosto dahil hindi raw ito suwerte base sa pinaniniwalaan ng iba, pero hindi raw ito totoo at depende raw sa programa ayon mismo sa taga-TV5.

Sa ginanap na grand presscon ng Talentadong Pinoy noong Lunes ng gabi ay inamin ni Robin na kaya niya tinanggap ang talent show ng TV5 ay dahil katapat daw ito ng dati niyang programa sa kabilang network.

“Magiging honest ako, katapat kasi ito ng dati kong show kaya hindi ko ito pinanonood. Kaya nu’ng inalok sa akin, sabi ko kay ma’am (Wilma Galvante), patingin nga po ng mga dating episodes, e, natuwa ako.

Tuwang-tuwa ako lalo na sa mga sirkero, e, siguro naman lahat ng tao, lalo na nu’ng mga bata tayo ay naaliw tayo sa kababayan nating may ipinakikitang kakaibang talento.

“Kaya pagkaraan lang ng ilang araw, sinabihan ko na kaagad si Ms. Betchay (Vidanes), ‘yung aking manager, sabi ko, kontakin mo na si ma’am Wilma kasi dapat makita pa ng mga tao ito, dapat po huwag maputol kasi iba talaga ang talentong Pilipino.

“Isa po ito sa mga kayamanan nating dapat nating pagyamanin at dapat nating suportahan at siyempre, isa pang bonus doon, noong kinausap ako ni ma’am Wilma, kaakibat si Mariel, parang nami-miss ko ‘yung panahon sa Wowowee (ABS-CBN) noon, gusto kong maibalik ‘yung ganu’ng samahan kaya minahal ko na talaga ang Talentadong Pinoy,” paliwanag ni Robin.

Kinlaro ni Robin na hindi raw sila package deal ng asawang si Mariel dahil ang mismong TV5 executive na si Ms. Wilma ang nagsabing kasama ang misis niya sa TP.

Tungkol naman sa gagawin niyang atake sa TP bilang host, “Ibibigay ko po kina Mariel at Tuesday. Energy lang po ang sagot ko, ‘yun ang maipapangako ko.

Talagang isang daang porsiyento ‘yun mula umpisa hanggang katapusan at ‘yung pagmamahal ko sa mga Talentadong Pinoy (contestants) ay talagang galing sa puso ko ‘yun, hindi lang sa trabaho, talagang sinusuportahan ko sila.”

Si Binoe ang magiging tagapagtanggol sa mga talunang contestants, “Ako ang kanilang lawyer kaya lagi akong ‘I object’. Parang corny po talaga kapag in-object ko ang kanilang sinasabi, kasi pupunta ako sa jury at hihingi ako ng pagkakataon, si Mariel ang referee sa akin sa judge, kasi puwedeng mag-away kami ng judge, eh.

Si Tuesday naman, hawak niya ang crowd, kapag sinenyasan ko ang crowd na ‘wag iboto ‘yan. Ganu’n. Ha-hahaha!”
Naikuwento rin ni Robin na iba-iba sila ng style sa pagho-host, “Si Mariel class na class, ako naman, e, haragan at isa namang napakagandang nagpapatawa (Tuesday).”

Sabi naman ni Ms. Wilma, “Malapit si Robin sa tao, mula nang mag-set up sa studio, di ba matagal ‘yan, nagtaping kami ng Friday. Lunes palang nagse-set up na, nandoon na siya, araw-araw, kasi gusto niyang kilalanin ang tao, lahat inoobserbahan niya, pati stage.

“Yung rehearsal nga natatakot kami kasi gabing-gabi na, hindi umuwi at doon na raw siya matutulog kasi gusto raw niyang mag-almusal kasama ang contestants kaya ganu’n ang ginawa niya, kinilala niya.

May ganu’n personal touch at nakita ko yun sa kay Robin.” As of now ay isang episode palang ng na-tape ng TP na ipalalabas na sa Sabado at dire-diretso na ulit ang taping bago mag-shooting si Robin ng “Bonifacio” na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Samantala, klinaro ulit ni Robin na per program contract daw siya sa TV5 at nagpaalam daw siya sa ABS-CBN at ginudlak pa nga raw siya ni Ms. Cory Vidanes dahil hindi naman daw siya aalis sa Kapamilya network at sa katunayan ay may offer pa rin sa kanya ang network at kahapon ang meeting niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending