Anne, Cristine super pangit sa bagong pelikula | Bandera

Anne, Cristine super pangit sa bagong pelikula

Reggee Bonoan - August 12, 2014 - 03:00 AM


Napanood namin ang trailer ng “The Gifted” nina Anne Curtis, Sam Milby at Cristine Reyes mula sa Viva Films at Star Cinema na idinirek ni Chris Martinez.

Base sa trailer ay parehong panget sina Anne at Cristine na magkaklase noong hayskul at magkatunggali pa sa lahat ng bagay. Iisa ang crush ng dalawa, si Sam Milby na hunk sa eskuwelahan nila pero hindi sila pinapansin ng binata dahil pareho silang panget.

Pero naaalala sila ni Sam kapag may school assignments/projects hanggang sa naging kaibigan ng aktor ang dalawang babaeng panget. Hindi naman ipinakita sa trailer kung paano biglang gumanda sina Anne at Cristine pagka-graduate nila na tuloy pa rin ang kumpetisyon.

Habang ipinapakita ang trailer sa sinehan ay naringgan namin ang mga katabi naming nanonood ng, “Parang lumang istorya.”
Napaisip tuloy kami, oo nga, parang gasgas na nga ang istoryang panget na gumanda sa huli at nag-aagawan sa iisang lalaki.

Sabagay trailer palang naman ito, baka mas magandang panoorin ito ng buo, baka may twist sa huli at saka knowing direk Chris Martinez, nagustuhan naman namin ang mga pelikulang idinirek niya lalo na ang “Here Comes The Bride” na talagang sumakit ang tiyan namin sa katatawa at mega blockbuster talaga ang pelikula.

Anyway, sa Set. 3 na mapapanood ang “The Gifted”.

( Photo credit to cristine reyes official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending