Jake pahinga muna, mag-aaral ng acting sa Amerika | Bandera

Jake pahinga muna, mag-aaral ng acting sa Amerika

Reggee Bonoan - August 10, 2014 - 03:00 AM

HINDI namin napanood ang episode ng Ikaw Lamang noong Biyernes ng gabi dahil masama ang pakiramdam namin kaya maaga kaming natulog.

Kinabukasan niloloko kami ng mga kasama namin sa bahay dahil hindi raw namin binanggit na mala-Titanic pala ang episode ng serye dahil gayang-gaya raw sa nasabing Hollywood movie ang paglubog ng barkong sinasakyan nina Isabel (Kim Chiu), Samuel (Coco Martin), Gonzalo (John Estrada), Rebecca (Angel Aquino), Calixto (Lester Llansang), Lupe (Meryll Soriano) at mga bagets.

Samantala, namatay sina John, Angel, at lolo’t lola ni Kim sa eksena kaya siguro wala na sila sa mga susunod pang episode. Buhay pa rin si Franco bilang si Jake Cuenca at kung hindi kami nagkakamali ay huling linggo na niya ngayon dahil siya na si Christopher de Leon pagtanda na maghahasik pa rin ng kasamaan kina Isabel at Samuel.

Nakatakdang umalis si Jake for Canada para sa Global shows ng ABS at pagkatapos ay lilipad naman siya ng Amerika para mag-acting workshop sa loob ng anim na buwan kasabay na rin ng pamamahinga.

Going back to Ikaw Lamang ay magkakaroon ng grand presscon ang bagong cast bukas at aalamin namin kung mabubuhay pa rin si Maximo (Ronaldo Valdez)  dahil maski na inilibing siya ng buhay at may ahas pa ay hindi naman ipinakitang patay na.

Dahil sa nakaraang car accident ay nakaligtas pa rin ang lolo ni Franco na sabi nga, may siyam na buhay.  Ikalawang kontrabida role na ni KC Concepcion ang Ikaw Lamang pagkatapos ng Huwag Ka Lang Mawawala, hindi kaya siya natatakot na ma-typecast na? Sabagay, para sa amin mas bagay ang kontrabida role kay KC kaysa maging bida.

Samantala, nanatiling nangunguna pa rin sa ratings game nationwide ang Ikaw Lamang na nagtala ng 30.7% kumpara sa katapat nitong programa na 16.8% lang.

( Photo credit to jake cuenca official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending