Iza inayawan ang 2014 MMFF entry ni Robin na ‘BONIFACIO’ | Bandera

Iza inayawan ang 2014 MMFF entry ni Robin na ‘BONIFACIO’

Reggee Bonoan - August 09, 2014 - 03:00 AM


SA solo presscon ni Iza Calzado para sa pelikulang “Somebody To Love” ay natanong ang aktres tungkol sa pag-ayaw niya sa pelikulang “Bonifacio” na pagbibidahan sana nila ni Robin Padilla na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival ngayong December.

Hindi raw kasi swak sa schedule ni Iza ang “Bonifacio” dahil halos hand to mouth na ang taping nila para sa seryeng Hawak Kamay bukod pa sa pelikulang tinatapos niya, ang “Maria Leonora Teresa” ng Star Cinema.

Kuwento ni Iza, “Nahihiya naman ako na baka ang maging problema pa nila sa pelikula nila na yun ay ako, at hindi pa si Andres Bonifacio na si Robin Padilla.

“So, we just said that we’re very grateful for the opportunity that they presented to us. Pero mas disrespectful po siguro kung bigla na lang ako hindi dumarating sa set dahil hindi ko na kinakaya or hindi ako papayagan.

“Itong ‘Bonifacio’ po ay may definite playdate na, December 25. Hindi po ako hihintayin niyan. Nakakahiya naman po kung hindi ko magagampanan ang responsibilidad ko bilang artista,” paliwanag ng dalaga.

Isa pang isyung kinlaro ni Iza ay ang billing nila ni Carla Abellana sa “Somebody To Love” dahil mas nauna raw ang pangalan ng huli kumpara sa kanya na ilang taon na sa showbiz.

Pero mukhang hindi apektado si Iza sa isyung ito dahil, “Kasi nu’ng in-offer sa amin ‘to, klarong-klaro naman sa amin that Carla is an exclusive contract star of Regal Films, therefore, she deserves top billing.

“Kumbaga, Regal will produce a film for her. And ako, tinanggap ko talaga siya dahil, unang-una, kay Direk Joey. Ikalawa, natuwa ako sa character kasi I’ve never done anything like that. And to be fair naman po, binigyan ako ng magandang film ng Regal Films.

“I think Noel (Ferrer, manager niya) requested na nilagay ‘and Iza Calzado,’ na napakasaya ko naman doon. Wala naman po akong reklamo,” ani Iza.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending