Alex kay Ryan Bang: Ayoko nang ipilit na maging friends pa kami! | Bandera

Alex kay Ryan Bang: Ayoko nang ipilit na maging friends pa kami!

Reggee Bonoan - August 07, 2014 - 03:00 AM


NATUPAD na ang isa sa mga pangarap ni Arjo Atayde na makatrabaho ang nanay niyang si Sylvia Sanchez dahil kabilang na ang aktres sa seryeng Pure Love.

Napanood na kagabi ang unang eksena ng mag-ina kung saan dinalaw ng aktor bilang si Raymund ang nanay niyang may sakit pala sa pag-iisip.

Nagulat kami dahil hindi namin matandaan na may ganitong karakter sa orihinal na istorya ng Koreanovelang 49 Days.
Kaya nang makatsikahan namin si Arjo kahapon sa set visit ng Pure Love ay tinanong namin siya kung kumusta ang pakiramdam pagkatapos makaeksena ang inang si Ibyang.

“Biruan namin ni mama, bukas wala ka ng career, kasi mas magaling ako sa kanya. Ha-hahaha!” tumatawang sabi ng aktor.
Hindi raw kasi inaasahan ni Arjo na ang gaganap na nanay niya sa serye ay ang sariling ina kaya nang malaman daw niya ay nasabi niyang dream come true nga ito para sa kanya.

Say ng aktor, “Kasi normally, pag may kausap akong mga artista, sinasabi magaling siya, pero never ko pa siyang nakaeksena kaya hindi ko alam.

“Pero bilang anak, nasanay lang ako na nandiyan siya lagi (sa bahay), nakakausap ko kaya hindi ko nakikita ‘yung pagka-artista niya. “So, eventually, after this (eksena nilang dalawa), humanga na ako pagkatapos, intense ‘yung scene at drama talaga, at doon ko lang nakita na, ‘ay artista talaga’ at doon ko lang napatunayan na magaling nga talaga siya,” kuwento ng proud son ni Sylvia.

Hindi ba kinabahan ang aktor na baka lamunin siya ng nanay niya? “Hindi naman, kasi pag magaling naman ang kaeksena mo, hahatakin ka naman pataas, di ba?

“Yung nilamon, hindi naman, siguro it’s for you guys to judge. But I don’t mind kung sabihing nilamon ako, it’s because she’s there for how many years already at napakagaling at isa siya sa itinuturing kong magaling na aktres sa industriya.

“Ang goal ko lang sa eksenang iyon, e, makasabay man lang ako sa kanya,” katwiran ni Arjo. Si Sylvia Sanchez ang mentor at number one critic ni Arjo, “Sabi lang niya, magaling ka talaga.

After the scene, nag-text siya, sabi niya, ‘magaling ka nga.’ Natuwa ako kasi siya ‘yung mentor ko talaga. Kung may problema sa acting ko at may nakita siyang mali, nagte-text agad siya sa akin. Nakatututok ‘yan, eh.

“Pag may episode siyang hindi napanood, may I Want TV, doon siya (nanonood),” pagtatapat ng binata.

Speaking of Pure Love, tinanong naman namin si Alex Gonzaga tungkol sa relasyon nila ngayon ni Ryan Bang, balitang hindi na sila okay pagkatapos ng biru-biruang hindi naging maganda ang dating sa komedyanteng Koreano.

Medyo napangiwi si Alex, “Ano, nakapag-usap na kami, pero siguro hindi na lang parang dati na (close), kasi napagsabihan na rin ako ng ate (Toni Gonzaga) ko.

“Ang dami ko na rin kasing narinig na sinabi niya behind my back na ‘yun ang mas ikina-hurt ko,” diretsong sabi ni Alex.
Nakakagulat kasi bihira sa lalaki ang maging madaldal lalo na kung tungkol sa babae at kung minsan ang gumagawa lang nito ay mga gay kaya ang diretsong tanong namin kay Alex ay ano ba ang pagkakakilala niya kay Ryan Bang, “(He’s) happy!

Ha-hahaha! Happy oh!” tumatawang sagot ng dalaga. Hindi naman daw magkagalit sina Ryan at Alex, “Na-explain na namin ang both sides at this time, makikinig na lang ako sa ate ko na, ‘you really have to earn yung tunay na friendship, hindi basta-basta ang mga taong pinagkakatiwalaan mo.

“Kahit nga ‘yung mga taong pinagkakatiwalaan mo ng ilang taon, puwedeng mag-ano (traydor) sa ‘yo, eh,” paliwanag ni Alex.
Aminado ang dalaga na may mga mali rin siya kung bakit sila nagkapikunan ni Ryan kasi may mga biro rin siyang sinabi on national TV (It’s Showtime) na dapat ay pang-off cam lang.

“Siya (Ryan) rin naman may mga birong off sa akin. So pag iisipin ng ibang tao (nakakapikon) so, nawala sa isip ko rin kasi nga hindi ako nag-iisip, eh,” kuwento ng aktres.

Dagdag pa ng dalaga sa estado ng relasyon nila ni Ryan Bang, “Kung hindi kami magkakaintindihan, ayoko ng ipilit maging friends kami, laging isa sa amin kailangang umunawa, so since ako yung mas nakakatanda, ako ang uunawa, tapos may narinig ka pang hindi maganda, so parang tainted na talaga ‘yung pagkakaibigan namin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending