Bea walang takot magpasilip ng boobs | Bandera

Bea walang takot magpasilip ng boobs

Reggee Bonoan |July 30,2014
facebook
share this

Bea walang takot magpasilip ng boobs

Reggee Bonoan - July 30, 2014 - 03:00 AM


“Jusko, Bea Alonzo NAPAKAGANDA MO!” Ito ang isa sa mga nabasa naming reaksiyon sa social media habang nanonood kami ng Primetime Bida serye na Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong Lunes ng gabi.

At totoong-totoo naman ang nasabing komento tungkol lay Bea. Ang ganda-ganda nga naman talaga ng leading lady ni Paulo Avelino sa kanilang soap opera.

Lalo na doon sa eksena kung saan nakasuot siya ng kulay gintong dress at kitang-kita ang kanyang cleavage. Ang seksi-seksi rin ngayon ng aktres kaya bumagay sa kanya ang role bilang naghihiganting babae na niloko ng mga taong minamahal niya.

Pero hindi rin naman nagpatalbog si Mrs. Maricar Reyes-Poon na gumaganap na kontrabida sa serye, dahil backless naman ang gown na suot niya sa nasabing eksena.

So, simula na ang patalbugan ng ganda at kaseksihan sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon nina Bea at Maricar? Napapanood pa rin ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon gabi-gabi sa Primetime Bida!

( Photo credit to bea alonzo official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending