Pwet ng dating sexy actor ibinenta ni Melissa Mendez | Bandera

Pwet ng dating sexy actor ibinenta ni Melissa Mendez

Reggee Bonoan |July 30,2014
facebook
share this

Pwet ng dating sexy actor ibinenta ni Melissa Mendez

Reggee Bonoan - July 30, 2014 - 03:00 AM


SUMAKIT ang tiyan ng entertainment press sa mga kuwento ni Melissa Mendez tungkol sa mga lalaking nakarelasyon niya noong araw sa nakaraang presscon ng “S6parados” na idinirek ni GB Sampedro, katuwang niyang nagprodyus dito si Konsehal Alfred Vargas para sa 10th Cinemalaya Film Festival na magsisimula sa Agosto 2 hanggang 10 sa CCP main theater.

Tungkol kasi sa mga nahiwalay sa asawa’t dyowa ang kuwento ng pelikula at isa si Melissa sa nakaka-relate rito, “Oo naman, lahat ng relasyon masakit, kasi bawat relasyong pinasok mo gusto mong maging forever, iyon lagi ang mindset mo.

May pagkakataon talaga na hindi nagki-click hindi nagiging maayos. “Nangyari kasi sa akin dati kay Raymond Quiano, kasi sobrang in-love na in-love kami with one another but we had to separate kasi I was pulling him up, he was pulling me down.

So wala siyang plano sa buhay, parang kuntento na siya kung anong meron kami,” kuwento ni Melissa. At napag-usapan din ang dating sexy actor na si JC Castro na nakarelasyon din ni Melissa noon, nagulat ang lahat sa sinabi ng aktres, “Niloko niya ako, eh! Pinaasa niya ako, sinabi niya sa national television na pakakasalan niya ako, ‘yun pala tatakbo siya bilang konsehal tapos pinagastos-gastos lang niya ako,” sabay tawanan ang lahat ng nasa presscon.

Hindi pa rin nagpaawat si Melissa at dinugtungan pa ng, “Sobra talaga (siya), siyempre dream na dream ko na makapag-asawa na ako at ang guwapu-guwapo ni JC, kasi di ba, hunk na hunk siya, ang ganda ng puwet, ang ganda ng katawan,” tawanan ulit ang media.

At nalaman din naming ipininta pala ni Melissa ang butt ni JC dahil nga gandang-ganda siya sa hugis nito pero naibenta na raw niya ito nang maghiwalay sila.

“Nabenta ko ‘yun ng mahal, actually, yung puwet lang niya ang pininta ko kasi gustung-gusto ko ‘yun. Yun nga, in love na in love ako sa kanya, yun pala tatakbo siyang konsehal, yun pala kailangan kong gumastos para tustusan ‘yung pagtakbo niya.

“Pero ngayon si JC is a pastor already. At magkasama kami sa isang indie film as husband and wife,” kuwento pa ni Melissa. As of now maligaya na si Melissa sa asawa niya ngayon, tatlong taon na silang kasal.

Samantala, gaganap si Melissa bilang asawa ni Ricky Davao sa “S6parados”, anak nila rito si Ritz Azul.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending