Direk GB Sampedro basted agad kay Ritz Azul | Bandera

Direk GB Sampedro basted agad kay Ritz Azul

Reggee Bonoan |July 29,2014
facebook
share this

Direk GB Sampedro basted agad kay Ritz Azul

Reggee Bonoan - July 29, 2014 - 03:00 AM


Unang pelikula ni Ritz Azul ang “S6parados” na isa sa entry sa Cinemalaya Film Festival na mapapanood sa CCP Theater mula Agosto 2 hanggang 10 na idinirek ni GB Sampedro.

Matatandaang sinulat namin dito na sweet sina direk GB at Ritz sa set ng “S6parados” base na rin sa nakikita naming litrato sa Instagram account ng direktor.

At nang huli naming maka-tsikahan si direk GB ay hindi naman niya itinangging gusto niya ang TV5 actress.Kaya ang tanong namin kay Ritz nang makatsikahan namin sa presscon ng “S6parados” ay kung sila na ni direk GB, “Hindi (pa) po, well, magkasama po kami dito sa ‘S6parados’, magkasama kami sa network (TV5), magkaibigan kami, yun lang po,” sabi ni Ritz. Dagdag pa ng dalaga, “Close po kami. Marami na po kaming napagkukuwentuhan.”

Naalala pa niya kung paano sila nagkakilala ni direk GB tatlong taon na ang nakararaan, “First time po naming magkita sa Gellicious, three years ago na po yata yun. Noong time na iyon, parang ayoko siyang kausap talaga, kasi feeling ko ang yabang-yabang niya.

“Feeling ko, ang sungit niya, ganu’n, ‘yung parang hindi mo man lang makausap. Iba yung tingin ko sa kanya noon kasi nga may mga tattoo,” anang baguhang aktres.

Nang makasama niya si direk GB sa “S6parados” ay nabago lahat ang impresyon niya, “Parang baligtad lahat. Mabait siya, gentleman siya, mapag-intindi siya sa tao, sa artista niya.

Ayun, doon po kami umpisang mag-usap sa ‘S6parados’. Parang ngayon lang po kami naging close,” ani Ritz. Alam naman daw ni Ritz na hiwalay si direk GB sa asawa at may mga anak kaya tinanong namin kung nakilala na niya ang mga bagets, “Hindi pa, pero sa picture naipakita na niya, pati yung family niya, mga kapatid niya, at saka mother niya.

Meron akong na-meet na dalawang kapatid niya.” Alam din ng dalaga na tatlong taon lang ang tanda niya sa panganay ni direk GB. Bagama’t ramdam ni Ritz na may gusto sa kanya si direk GB ay hindi naman daw ito nanliligaw.

“Meron, nararamdaman ko na may gusto siya sa akin. Kasi bilang babae, mararamdaman mo naman yun kung may gusto sa iyo ang lalaki. Ako kasi, gusto ko munang magtrabaho. Alam niya rin na naka-focus ako sa career ko.

“Ang alam kong usapan namin, nagtatrabaho kami, naging magkaibigan kami, yun lang po. Minsan lumalabas kami pero kasama yung parents ko.

Minsan kasi may mga pagkakataon na parehas kaming nasa lugar, so nagkikita po kami or minsan magko-coffee,” kuwento ng dalaga.May pag-asa ba si direk GB sa kanya? “Hindi ko pa iniisip yung mga ganu’ng bagay.”

Sa madaling salita, basted na si direk GB, “Hindi naman sa  basted. Kasi hindi naman sinabi na, ‘Manliligaw ako.’ Walang ganu’n. “So, ang pagkakaalam ko talaga, magkaibigan kami.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Close friend siguro kasi may mga bagay na rin siyang sinasabi sa akin tungkol sa personal life niya,” dagdag pa ng aktres.
Samantala, sobrang thankful si Ritz kay direk GB dahil napasama siya sa powerful cast ng “S6parados” tulad nina Victor Neri, Ricky Davao, Jason Abalos, Anjo Yllana, Erik Santos, Alfred Vargas, Angel Jacob, Melissa Mendez, Althea Vega, Sharmaine Arnaiz, Iwa Moto, Diana Zubiri, K-La Rivera, Patricia Javier, Jace Flores, Sue Prado, Joel Lamangan at Katrina Halili na ipinrodyus naman nina direk GB at Konsehal Alfred Vargas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending