ABS-CBN problemado sa serye nina Piolo at Iza? | Bandera

ABS-CBN problemado sa serye nina Piolo at Iza?

Reggee Bonoan |July 27,2014
facebook
share this

ABS-CBN problemado sa serye nina Piolo at Iza?

Reggee Bonoan - July 27, 2014 - 03:00 AM


NAKATANGGAP kami ng mensahe mula sa hindi kilalang numero at humihingi ng tulong na kung puwede ay isulat namin ang seryeng Hawak Kamay.

Bukod dito, may naligaw ding mensahe na pinapa-hype rin ng ABS-CBN ang nasabing teleserye nina Piolo Pascual, Nikki Gil at Iza Calzado na napapanood pagkatapos ng TV Patrol.

Napakunot-noo kami, hindi kasi kami aware sa rating ng Hawak Kamay mula ng umere ito noong Hulyo 21 na siyang pumalit sa Dyesebel ni Anne Curtis.

Kaya mega-tanong kami sa mga taga-ABS-CBN tungkol dito, pero naloka kami sa sagot ng isa, “Naku, hindi po namin natutukan kasi maaga kaming umuuwi, mahirap sumakay kasi po may bagyo.”

Sagot naman ng isa sa executive ng Dos, “Hindi ko pa nasisilip.” Tinext namin ang taga-Corporate Communication kung totoong mahina ang rating ng Hawak Kamay pero hindi kami sinagot. Anyare ba, bossing Ervin?

Hanggang sa nagbasa kami ng BANDERA kahapon at nabasa nga namin ang sinulat ng katotong Alex Brosas na hindi nga kagandahan ang pilot rating ng serye ni Piolo kung ikukumpara sa katapat nitong programa sa GMA 7.

Hala!? Anong nangyari? Sa pagkakaalam namin, maganda naman daw ang kuwento nito at halos lahat ng artistang kasali ay magagaling.

Sabi pa ng isang taga-ABS-CBN, “Sayang nga, kasi ang taas ng Pure Love at Patrol, tapos biglang baba sa Hawak Kamay, tapos tataas uli sa Ikaw Lamang hanggang sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Hindi rin alam ng management bakit ganu’n.”

( Photo credit to piolo pascual official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending