Erich sa gwapong BF: 10 taon pa siya maghintay bago ang kasal! | Bandera

Erich sa gwapong BF: 10 taon pa siya maghintay bago ang kasal!

Reggee Bonoan |July 27,2014
facebook
share this

Erich sa gwapong BF: 10 taon pa siya maghintay bago ang kasal!

Reggee Bonoan - July 27, 2014 - 03:00 AM


Halatang in-love at inspired si Erich Gonzales ngayon dahil sabi nga niya, may peace of mind siya at siyempre, may taong sobrang nagmamahal sa kanya at tinatrato siyang isang princess.

Parang kuwento sa libro ang lovelife ni Erich kaya siguro bumagay din sa kanya ang pelikulang “Once A Princess” na idinirek ni Laurice Guillen, produced by Skylight Films at Regal Films.

Pero ang pagkakaiba lang ay hindi pa ikinasal si Erich sa kanyang prinsipe sa tunay na buhay kumpara sa papel niya sa pelikula. Karakter ni Erin ang gagampanan ni Erich na itinuring na prinsesa ni Leonard na gagampanan ni Enchong Dee pero ang makakatuluyan ng dalaga ay si JC de Vera bilang si Damian na isang malupit na asawa.

Hindi naman itinago ni Erich na talagang prinsesa ang trato sa kanya ng kanyang boyfriend, “Uy, fishy kayo ha? (biro ng dalaga), siyempre, nararamdaman ko naman na tratuhing prinsesa ng boyfriend ko.

Dahil siya naman ‘yung lalaking malapit sa akin at nagmamahal sa akin.”  Samantala, malayo ang papel ni Erich sa “Once A Princess” kumpara sa past movies niya.

Lumitaw ang kaseksihan ni Erich lalo na sa beach scene nila ni Enchong kaya naman tinanong ang aktres kung handa na ba siyang mag-pose sa men’s magazine?

“Hindi po talaga, para lang po ito sa pelikula, ‘yung ginawa ko,” mabilis na sabi ng dalaga. May beach scene kasi sina Erich at Enchong kaya maraming nagulat na napapayag ang dalaga sa ganu’n at higit sa lahat, walang patumanggang kissing scenes at bed scenes.

Ano ang reaksyon ng BF niya rito. “Kaya nga suwerte ko po kasi mature siya, sobrang understanding, secure, at supportive po talaga siya,” sabi ni Erich.

Nagulat pa nga raw ang aktres ng mapanood ng boyfriend niya ang trailer ng “Once A Princess”, “Excited nga po siyang magpa-block screening kasama yung mga friends namin,” kuwento sa amin.

Ang maganda sa relasyon nina Erich at ng boyfriend niya kaya hindi ito seloso ay, “Bago po naging kami, matagal kaming naging magkaibigan.

At naikuwento ko na sa kanya kung gaano kaimportante ang trabaho ko at priority ko talaga yun. Sabi naman niya, willing siyang maghintay. Sige, okay.”

Ang guwapong lalaking ito na ba ang gustong makasama ni Erich? “Pinagdadasal po natin ‘yan!” mabilis na sagot ng dalaga. Heaven’s sent daw si boyfriend, “Nu’ng nagdasal po ako, answered prayer.”

Nag-propose na ba ito sa kanya? “Naku, hindi pa nga siya nagpu-propose matagal pa. Napag-uusapan namin. At lagi kong sinasabi na mga 10 years pa.

Kasi, marami pa po akong gustong gawin. Twenty-three lang po ako ngayon. And he’s 10 years older than me,” saad pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to erich gonzales official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending