Jake pinagmumura: Ang sama-sama niya! | Bandera

Jake pinagmumura: Ang sama-sama niya!

Reggee Bonoan |July 25,2014
facebook
share this

Jake pinagmumura: Ang sama-sama niya!

Reggee Bonoan - July 25, 2014 - 03:00 AM

JAKE CUENCA

AWARE kaya ang Dreamscape Entertainment team sa mga negatibong komento tungkol kay Jake Cuenca mula sa mga nanonood ng Ikaw Lamang? Sobrang sama na raw kasi ng karakter ng aktor. May mga nagmumura pa nga laban sa aktor.

In fairness, positive ito sa kampo ni Jake dahil ibig sabihin ay epektib ang pagiging kontrabida niya, napapansin talaga siya ng viewers.

Pero malaking epekto rin ito sa Ikaw Lamang dahil may mga taong naglilipat na sa ibang channel kapag si Jake ang ipinapakita sa screen.

“Masyado na kasing depressing ang karakter ni Jake, sobrang sama na niyang tao, parang hindi naman ganu’n sa totoong buhay kung sakaling may ganu’ng pulitiko na masyadong gahaman sa posisyon,” komento mismo ng isang katoto na hindi na namin papangalanan.

Pagtatanggol namin, baka naman may ganu’n talaga sa totoong buhay, hindi lang natin alam kasi nga hindi naman natin sila nakakasama at hindi nila tayo kilala.

Pero humirit ang kausap namin ng, “Hindi, walang ganu’n, pulitiko nga sila, lagi silang nakangiti sa tao at pakitang tao talaga sila.”

Paliwanag namin na pakitang tao nga ang ginagawa nila pero may ginagawang hindi maganda sa talikuran, e, bakit ba pinatay si Ninoy Aquino, hindi ba’t pulitika rin ang dahilan. Kaya posibleng may pinaggayahan ang karakter ni Jake Cuenca bilang Mayor sa bayan nila sa kuwento ng Ikaw Lamang.

Humirit naman ang isang kilalang artista na nakakapanood din ng Ikaw Lamang, “Oo nga, ang sama-sama ni Jake, laging galit, parang nakakainis na ring panoorin.

“At saka bakit ganu’n, mayor lang siya, bakit mas powerful siya sa tatay niyang si Tirso (Cruz III) na gobernador? Mas mataas ang gobernador, di ba? At bakit ang dami-daming kontrabida ro’n, nakakainis din si Ronaldo Valdez,” sabi sa amin.

Sa puntong ito ay hindi na kami nakasagot. Oo nga, bakit nga ba mas powerful ang mayor sa governor sa kuwento ng serye?

Kaya tinanong namin ang Adprom head ng Dreamscape Unit na si Biboy Arboleda tungkol dito, aniya, “Ask ko Rondel (Lindayag) and Reggie (Amigo).” Ang mga nabanggit ay ang creative consultant ng nasabing unit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sa kabilang banda ng napaka-samang karakter ni Jake Cuenca ay marami naman ang nagsabing, “Magaling talagang umarte si Jake ‘no? Deserving naman niya talaga ang award niyang Best Kontrabida Actor of the Year sa Yahoo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending