Wa epek ang bagsik ni Glenda, movie nina Kathryn at Daniel naka-P20-M | Bandera

Wa epek ang bagsik ni Glenda, movie nina Kathryn at Daniel naka-P20-M

Reggee Bonoan - July 18, 2014 - 03:00 AM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

“NAKA-P20 million sa opening day ang ‘She’s Dating The Gangster’ at wala pa ang mga Robinson cinemas diyan dahil sarado sila noong Wednesday.”

Ito ang sabi ng isang taga-Star Cinema nang alamin namin kung nakamagkano sa first day ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Binalikan namin ng tanong ang kausap namin, sabi ko sa kanya na pareho lang ng kinita sa opening day ng “Maybe This Time” nina Coco Martin at Sarah Geronimo?

“Pag nagbukas ang Robinson’s siguradong mas hihigit pa,” mabilis na sagot sa amin.

Oo nga, mukhang lalampas sa P20 million ang kita ng “She’s Dating The Gangster” kung hindi sarado ang ibang sinehan.

Naniniwala kami sa sinabi ng taga-Star Cinema dahil maski na binabayo ng bagyong Glenda ang buong Metro Manila noong Miyerkules ay hindi ito naging sagabal para hindi dayuhin ng KathNiel supporters ang pelikula ng mga idol nila. Kahit na nga sarado pa ang mga mall ay nakapila na ang mga ito para mapanood nila ang first screening.

Hindi kami lumabas ng bahay ng araw na iyon pero naka-monitor kami base na rin sa mga ipinapadalang mensahe ng KathNiel fans bukod pa sa naka-post din sa social media ang mahabang pila sa mga sinehan.

Nakatsikahan din namin ang katotong Allan Sancon na nasa Fisher Mall noong Miyerkules ng gabi para manood ng “She’s Dating The Gangster” kasama ang nanay niya at ayon nga sa kanya, punumpuno ang sinehan doon kahit last full show na.

Brownout sa buong Metro Manila at suspendido pa ang klase kaya siguro nagpuntahan ng malls ang lahat para magpalamig at manood na rin ng sine noong Miyerkules.

Talagang pinanindigan ng supporters nina DJ at Kath ang sinabi nila sa amin sa Twitter, “Hindi po kami nangangako, pero susubukan naming maabutan ang P430 million nina Piolo (Pascual) at Toni (Gonzaga), sobrang pressure naman kayo, @bonoanbangus.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending