KC: Hindi ako nabuntis at nagpalaglag sa Amerika! | Bandera

KC: Hindi ako nabuntis at nagpalaglag sa Amerika!

Reggee Bonoan |July 13,2014
facebook
share this

KC: Hindi ako nabuntis at nagpalaglag sa Amerika!

Reggee Bonoan - July 13, 2014 - 03:00 AM


MULING pumirma si KC Concepcion ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN kaya mawawala na siguro ang tsikang inayawan na siya ng Kapamilya network.

Tanda namin ay may pangako ang Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal sa aktres na bibigyan siya ulit ng programa pagkatapos ng Huwag Ka Lang Mawawala kasama sina Judy Ann Santos at Sam Milby.

Natagalan lang dahil nangibang bansa ang aktres at nag-aral at ngayong bumalik na siya ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Dreamscape at inoperan na siya ng project, ito nga ‘yung book two ng Ikaw Lamang na pinagbibidahan nina Coco Martin at Kim Chiu kasama sina Jake Cuenca at Julia Montes.

Kung hindi kami nagkakamali ay gaganap na ka-love triangle si KC kina Coco at Kim dahil mawawala na sa istorya si Julia na may ibang project namang gagawin.

Biruan nga ng mga katoto, sana sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon inilagay si KC para raw magkasama sila ni Paulo Avelino.
Sabi naman namin, baka hindi nakaarte nang maayos si Paulo.

Okay na sigurong si Maricar Reyes-Poon na lang ang maging kontrabida. Going back to KC ay muli niyang itinangging nabuntis at nagpalaglag siya kaya siya pumunta ng Amerika.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending