Erik Santos dinalaw si Rachelle Ann sa London, sweet na sweet | Bandera

Erik Santos dinalaw si Rachelle Ann sa London, sweet na sweet

Reggee Bonoan - July 10, 2014 - 03:00 AM

DEDMA lang kami nu’ng una sa mga nababasa namin tungkol sa sinasabi raw ni Angeline Quinto na nanligaw sa kanya si Erik Santos at nagsabihan na rin sila ng “I love you.”

Ganito rin kasi ang drama noon ni Angge kay Coco Martin, aniya, na-develop siya sa aktor pero bigla na lang natigil ang pagkikita nila dahil naging busy si Coco sa serye noon ng ABS-CBN na Juan dela Cruz.

Nang mapanood namin siya sa Aquino & Abunda Tonight ay nabanggit nga niya na huminto sa panliligaw si Erik dahil may foreigner ding nanliligaw sa tinaguriang Queen of Teleserye Theme Songs, magugulo lang daw ang sitwasyon.

Kaagad naming tinext si Erik tungkol sa isyu nila ni Angeline, pero hindi kami sinasagot hanggang sa nakita namin sa mga post niya sa Instagram na nasa London pala siya kasama ang kaibigan at staff ng Cornerstone na si Cynthia Roque.

Magkasama rin sa picture sina Erik at Rachelle Ann Go na gumaganap ngayon bilang Gigi sa “Miss Saigon”, magkatabi sila sa isang sasakyan at may caption na, “So happy to be with my Princess Ariel again @gorachelleann. See you in Saigon tomorrow.#soexcited.”

Marahil ay busy si Erik kay Rachelle Ann kaya si Cynthia na lang ang tinext namin kung bakit magkasama ang dalawang singers, “May TFC show si Erik sa Dublin (Ireland) last July 6, then sa Norway sa July 12. Nag-side trip lang kami here (London) from July 7-11 to watch Ms Saigon.”

Sa madaling salita, sadyang dinalaw ni Erik si Rachelle Ann para makita’t mapanood na rin ang “Miss Saigon” sa Prince Edward Theater? Hmmm, knows ba ito ni Angeline?

At para malaman ang real score kina Erik at Angeline ay kinausap namin ang dalawang taong malapit sa dalawa, sabi sa amin, “Alam mo, hindi ko rin alam, hayaan mo at tatanungin ko, nakikita ko sila medyo sweet-sweetan pag magkasama sa ASAP pero wala naman silang sinasabi.

“Last time na napansin ko nu’ng nasa Tuguegarao (Cagayan) show kami a week  ago,” pagtatapat sa amin. At dahil wala naman sa bansa si Erik kaya ang Queen of Teleserye Theme Songs (na may show sa 19 East Bar and Grill, Sucat, Parañaque, simula noong Hulyo 3, 10, 17, at 31, Agosto 7, 14, at 21) na lang  ang tinext namin kahapon para linawin ang issue.

Hindi naman nagtagal at si Angeline na mismo ang nag-text sa amin at nangumusta. Diretso ang tanong namin sa kanya, “Ano ‘yung sa inyo ni Erik, seryoso ba o landian lang?”

Sagot naman niya sa amin, “Mabuti naman po kami, busy lang pareho, pero mukhang seryoso naman po.” Balik-tanong namin, kayo na ba talaga? Kelan Pa? Nagpaalam ba siya kung nasaan siya now? “Hindi pa po kami, pero happy kami kung anuman kami ngayon.

Nage-enjoy naman po kami sa isa’t isa lalo pag magkasama kami sa mga shows. Yes po, nagpaalam naman siya sa akin, nasa Europe po siya, sa July 14 ang balik niya.”

Nagpaka-devil’s advocate kami dahil sinabi naming magkasama sina Erik at Rachelle Ann sa London at panay ang pictorial nila at nanood pa ng “Miss Saigon” ang binata.

“Nakita naman po mga pictures nila, enjoy naman po sila do’n with Rachelle,” say ng dalaga. Tinukso namin ang dalaga kung hindi ba siya nagseselos kay Rachelle? “Hindi naman po. He-hehehe! Why po magseselos?”

Saka namin ikinuwento na minsan ay nanligaw din si Erik kay Rachelle Ann at nahinto lang dahil pinakiusapan ni Christian Bautista na naging boyfriend naman ng dalaga.

In fairness, honest pala si Erik dahil say ni Angeline, “Alam ko po, naikuwento niya naman sa akin ‘yun.  Ayaw ko naman kasi magselos ate Reggee kasi hindi pa naman kami at I’m sure naman po kung sakaling bumalik ang feelings niya kay Rachelle, sasabihin naman no’n sa akin.”

Hmmmm, ang galing sumagot ni Angge, huh  Kaya tanong namin ay kung sino ang katabi niya dahil baka iyon ang nagtuturo sa kanya ng ire-reply sa amin at mabilis niyang sagot, “Tatay ko po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabay tanong namin kung boto ang papa niya kay Erik, “Boto po.” Kaya hihintayin namin ang pagbabalik ni Erik para magbigay ng statement sa mga pinagsasabi ni Angeline tungkol sa kanilang relasyon.

( Photo credit to erik santos official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending