Sorry na lang Zanjoe, Bea mas bagay maging dyowa ni Paulo
HINDI na namin babanggitin kung sinu-sinong artista na may serye sa GMA ang nagsabi na gustung-gusto nila ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon nina Bea Alonzo at Paulo Avelino.
“Ang ganda ng istorya, aabangan mo talaga kasi kung sino pumatay sa daddy ni Rose (Bea) at kung paano siya maghihiganti sa panloloko sa kanya.
Tapos naging si Emmanuel si Rose, ang galing umarte ni Bea lalo na kapag magkasama na sila ni Albert (Martinez) sa kuwarto, siyempre expected ni Albert asawa niya katabi niya.
“Kung walang Zanjoe (Marudo), bagay na bagay sina Bea at Paulo than KC (Concepcion). Napaka-glossy pa ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, ang gagaling ng mga artista.
Bakit hindi magawa ‘yan sa GMA?” papuri sa programa ng Dreamscape Entertainment. Sa totoo lang bossing Ervin, kami ang nawalan ng sasabihin dahil paano mo sasagutin ang lahat ng papuri nila, kaya ang ending, kinumusta namin ang mga programang kinabibilangan nila sa GMA.
“So far, gumaganda na ang Dalawang Mrs. Real, okay naman, in fairness natalo namin sa AGB ratings ang Sana Bukas Pa, huh!” napangiting sabi sa amin.
Dito na kami nag-react, magkaiba kasi ang pinagkukunan ng ratings ng dalawang network, ang AGB-Nielsen at Kantar at sabihin mang natatalo na ng Mrs. Real ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, mas pinag-uusapan pa rin ang serye nina Bea at Paulo.
At hindi lang iyon, galing din mismo sa GMA 7 na may problema sila sa cast ng Mrs. Real. Going back sa mga katsikahan naming artista ng GMA 7, “Hindi rin nga maganda ang feedback ng show ni Marian (Rivera), nanonood ka ba ng shows ng GMA?” balik-tanong sa amin.
Diretsong sagot namin, sira kasi ang remote control namin, ayaw malipat sa ibang channel. Ha-hahaha! Actually, ano nga ba ang nangyayari sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, bossing Ervin? Hindi ko na talaga napapanood dahil laging late kami umuwi.
( Photo credit to bea alonzo official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.