Kathryn, Daniel bawal mag-date nang walang bantay
IISA ang napansin ng lahat sa grand presscon ng “She’s Dating The Gangster”, ang ganda-ganda at blooming si Kathryn Bernardo na halatang in-love raw kaya gumaganda at siyempre, kinikilig naman ang ka-loveteam niya on and off camera na si Daniel Padilla.
Kaya tinanong ang dalaga kung totoong nakakaganda ang pag-ibig at kung in-love siya. Napangiti si Kathryn sa magandang komentong narinig at nagulat siya nang si Daniel ang sumagot ng, “Yes (in love).”
Ayon sa dalaga, “Siguro ang puyat, nakakaganda, joke! Ha-hahaha! Feeling ko pag masaya ka,” nakangiting sabi ng dalaga. Pero kinulit siya kung ang pag-ibig ay nakakaganda, “E, ganu’n nga po siguro kaya ka gumaganda?” tumawang sabi ni Kath.
Samantala, tinanong si Kathryn kung posible bang makipag-date siya sa isang gangster sa totoong buhay, “For me, parang hindi ko po nakikita ang sarili kong makipag-date sa isang gangster (sabay titig sa kanya ni Daniel).
“Pag inisip mo kasing gangster, para sa akin, mga nagka-cutting classes, mga nakikipag-suntukan, ganyan. Pero pag sa akin, sa totoong buhay, feeling depende po sa pagka-gangster siguro, kasi may gangster na baliw talaga, meron naman, ganu’n lang talaga siya.
“Feeling ko naman kung good intention naman talaga ang isang tao, tingnan natin. Basta maganda ang intention, tingnan natin,” biglang naibang sagot ng dalaga. Sabi namin nakuha siya sa titig ng aktor.
Samantala, tinanong si Kathryn kung ano ang mas appealing sa kanya, ang bait-baitang lalaki o tipong siga-siga o gangster type? “Feeling ko po, halo, ayoko naman ng super pasaway talaga na nakikipagsuntukan kahit saan, gusto ko naman ‘yung medyo maangas pero mabait pa rin, siguro ‘yung gitna, mabait, loyal at handang ipagtanggol pag inaaway ka, combination po,” tumatawang sabi ng dalaga habang inaasar siya ni Daniel.
At ang qualities na nagustuhan niya sa leading man niya sa “She’s Dating The Gangster” ay “nakikita kong pagka-gangster ni DJ ay yung pagiging maangas, gusto pag mali, alam niyang handa siyang makipag-away para sa ‘yo, handang ipagtanggol.”
Samantala, hindi puwedeng mag-date sina DJ at Kath ng silang dalawa lang, parati raw silang may kasama, pero para sa aktor, “Kapag magkasama kami ng walang kamera, ina-assume kong date na ‘yun,” say ni Daniel kaya hiyawan ang buong tao sa loob ng Dolphy Theater.
At ang pinaka-memorable na date nina Daniel at Kath, “Nu’ng nasa Bicol kami sa may Mayon (volcano), tsine-cherish ko na ‘yun, na kami lang dalawa sa Mayon.
“Tsine-cherish ko lahat ng first time na magkasama kami ni Kathryn, kagaya nu’ng nag-ATV kami, siyempre, sa akin siya nakasakay (sabay muwestra ng kambyo), siyempre iba ‘yung diin sa gas,” natatawang kuwento ng aktor na ikinaloka ng lahat.
At para kay Kath ay halos lahat ay tsine-cherish din niya dahil marami raw silang first time na ginawa o pinupuntahan lalo na sa ibang bansa na dream nilang puntahan, “Maraming moments with DJ kasi siya rin naman ang pinaka-close ko sa boys sa showbiz so feeling ko, sa kanya lang ako kum-portable.
“Siguro po nu’ng nag Hong-kong kami, nag-sky walk kami, kasi na-appreciate ko yung little efforts ng guy, kahit hindi ‘yun super grabe, natatandaan ko na talaga.
Ganu’n po si DJ na marami siyang efforts na feeling mo girl na girl ka,” kuwento ng dalaga. Samantala, mapapanood na ang “She’s Dating The Gangster” sa Hulyo 16 mula sa Star Cinema na idinirek ni Cathy Garcia Molina kasama sina Khalil Ramos, Igi Boy Flores, Alexander Diaz, John Uy, Yna Asistio, Sofia Andres, Pamu Pamorada at Marco Gumabao.
( Photo credit to she’s dating the gangster )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.