Arjo Atayde handang maghintay kay Alex: Siya talaga ang gusto ko! | Bandera

Arjo Atayde handang maghintay kay Alex: Siya talaga ang gusto ko!

Reggee Bonoan - June 29, 2014 - 03:00 AM


Sa presscon ng Pure Love ay nabanggit ni Alex Gonzaga na sarado ngayon ang puso niya kaya wala siyang panahong mag-entertain ng manliligaw.

Nang tanungin naman ang ka-loveteam niya sa serye na si Arjo Atayde na aminadong type ang dalaga, sinabi nitong handa siyang maghintay.

In fairness, kinilig si Alex sa sinabing ito ng binata sabay dialogue ng, “Ikaw Arjo, ha. Madali naman ako, pakakainin mo lang ako,” birong sabi ng dalaga.

Kaya pagkatapos ng presscon ay kinorner namin si Arjo kung totoong willing siyang maghintay kay Alex, “Oo naman po, ako kasi ‘yung tipong pag na-attach sa isang tao, I really make sure na ‘yun na talaga.

“Ang nagiging problema lang, I’ve never been vocal about it, siguro may torpe side ako especially sa kanya (Alex). But like I said, I’m willing to wait (kay Alex),” sabi niya sa amin.

Isa raw sa nagustuhan ni Alex sa binata nina Papa Art Atayde at Sylvia Sanchez ay madalas itong magpakain sa set to the point na sa kanya na nagre-request ang cast imbes na sa production.

Samantala, nabanggit ni Alex na ayaw niyang magsayang ng oras sa lalaking manliligaw sa kanya na hindi pure love ang intension. Ano sa tingin ni Arjo, may pag-asa kaya siya?

“Siguro nalilito siya (Alex) kasi hindi niya alam na nanliligaw (na ako), tapos nagtanong siya, sabi ko, ‘oo,’ ganu’n,” diretsong sabi ni Arjo.

Tinanong din namin ang binata kung bakit kailangan pa niyang mag-artista, e, mayaman naman ang pamilya niya at kayang ibigay ng magulang nila ang lahat ng gusto nilang magkakapatid.

“Kung ano po ang yaman nila, sa kanila ‘yun, hindi akin ‘yun, that’s why pinasok ko po ang industriyang ito, I want to prove myself to do my own thing and of course I’m also venturing into business, we will be putting up resto-bar soon within a year kaya ko po ginagawa lahat ito,” tugon ng binata.

At in fairness, may ibubuga naman sa pag-arte si Arjo kaya may karapatan siyang mag-artista hindi katulad ng ibang gustung-gustong umarte pero wala namang ka-talent-talent.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending