Sey mo Piolo...Sam binabalikan si Shaina; Nahuling nagde-date | Bandera

Sey mo Piolo…Sam binabalikan si Shaina; Nahuling nagde-date

Reggee Bonoan - June 27, 2014 - 03:00 AM

SAM MILBY, SHAINA MAGDAYAO AT PIOLO PASCUAL

TAPOS na ba ang “dating game” nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao?

Kaya namin ito naitanong ay dahil nakita sina Shaina at Sam Milby noong Miyerkules ng gabi na nag-late dinner sa isang restaurant sa The Fort kasama ang business partner ng aktor na si Dominic Hernandez at handler ng aktres.

Hindi ba’t nagparamdam noon si Sam kay Shaina pero biglang huminto dahil nalaman niyang dumidiskarte yata si Piolo sa dalaga.

Tanda naming sinabi ni Sam na kaya siya huminto noon sa panunuyo kay Shaina ay napansin niyang hindi pa handang magpaligaw ang dalaga bukod pa sa bisi-bisihan din ang aktor.

Hanggang sa nabalitaan na lang namin na si Jessy Mendiola na ang nililigawan ni Samuel, pero bigla rin itong natigil dahil naging busy na siya sa taping ng Dyesebel at sa shooting ng “The Gifted” kasama sina Anne Curtis at Cristine Reyes.

Kaya ang tanong ng netizens, bakit magkasama sina Shaina at Sam na nag-dinner? Ano ang ibig sabihin nito? Tinanong namin ang staff ng Cornerstone na si Caress Caballero tungkol sa nasabing balita, ang sagot nito, “Baka nagkayayaan lang, friends sina Dom at Shaina.”

Sana nga, sina Shaina at Sam na lang dahil mas bagay sila, di ba bossing Ervin? (Oo nga, feeling ko kapag naging sila, pangmatagalan na! – Ed)

Samantala, nagkaroon ng meet and greet ang leading man ni Anne sa Dyesebel na handog ng Dermablend Papaya soap noong Linggo sa Fisher Mall sa Quezon Avenue na talagang dinumog na naman ng husto ng fans.

Say ng aktor, “I have to find time talaga for Dermablend kasi they’re been very good and loyal to me, imagine, paglabas ko ng PBB, kinuha na nila akong endorser and up to now, they’re still helping me out.

“So, I have to give back kasi ang bait nila sa akin, at saka matagal ko na ring hindi nakikita ang fans, nami-miss ko rin sila,” katwiran ng aktor.

Oo nga, nakailang palit nan g endorser ang Dermablend products, pero si Sam ay hindi nawawala, “Mabait kasi at walang reklamo kang maririnig,” sabi sa amin ng Operations manager na si Harriet Gabayeron.

Hanggang Agosto 1 (Biyernes) na lang pala ang Dyesebel kaya mabilis na ang pacing ng kuwento, at tinanong namin si Sam bilang si Liro kung bakit parati na siyang galit siya sa eksena.

“Ako, galit? Kasi ayaw nang bumalik sa akin ni Anne, este si Dyesebel, mas pinili niya si Erwan (Heussaff), ay si Fredo (Gerald Anderson) pala,” tawa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May ibig bang sabihin si Sam sa mga sinabi niya? Umaasa pa ba siyang magkakabalikan sila ni Anne? “Hindi na puwede, di ba? Gusto na niya si Fredo (Erwan),” sabi ni Samuel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending