Kris: Dapat super gwapo ng date ko para di ako magmukhang kawawa! | Bandera

Kris: Dapat super gwapo ng date ko para di ako magmukhang kawawa!

Reggee Bonoan - June 24, 2014 - 03:00 AM


MULING nagpakatotoo ang Queen of all Media na si Kris Aquino sa naging interview sa kanya noong Linggo sa The Buzz.
Ito’y may kinalaman nga sa kumalat na balita nitong nakaraang linggo na nagkaroon daw ng prenup pictorial ang ex-husband niyang si James Yap sa Italian girlfriend nitong si Michaela Cazzola.

Sey ni Kris, “May nagsabi sa akin na, ‘Uy, nagpi-prenup daw na pictorial si James Yap and the girlfriend.’” Bigla namang sumingit ng tanong ang isa sa mga co-host ng programa na si Toni Gonzaga, “Uy, puwedeng i-announce na nagpi-prenup na sila?”

Tugon naman ni Kris, “Hindi nga. Ganyan ang nangyayari kapag maraming tsismoso at tsismosa. So, sabi ko, ‘A, talaga, saang hotel?’ “Sabi, somewhere in Alabang. Lahat sila sinabi, ‘Are you okay?’ Yeah, of course! Good for them.’

“Tapos, sabi ko, ‘At least, mukhang totoo na.’ So, I found out, my friends from YES! Magazine was there. Si Alvin (Cagui, personal assistant ng TV host-actress), pinasimple ko. Sabi ko, ‘Tawag ka, Alvin, tanungin mo.’”

“So, nakausap niya, hindi pala totoo. It was a concept for the two of them to be together, but as what you would do nga kapag may pre-nup.” “Then, after that, lahat sila tinatanong, ‘Kung magiging totoo, ano ang magiging opinyon mo?’ And I said, ‘Swear to God, ibigay ko na ang lahat ng kayamanan ko, happy ako for them!’”

Tinanong uli siya kung lahat talaga ng kayamanan niya? “Oo, kasi kung nagsisinungaling ako na hindi ako maligaya…Kasi, ang dali-daling magbigay ng kaligayahan at mag-wish ng well for others.

“Why? Because this girl (Michaela) is being nice to my son. Yun lang yun talaga, wala na kaming anger ni James sa isa’t isa.
“And I feel that she will make an effort to welcome my son and be good to my son, and that’s all that matters,” pahayag pa ni Kris.

Naniniwala naman ang isa pang host ng The Buzz na si Boy Abunda na totoong masaya na si Kris para sa lovelife ng  dati niyang asawang si James Yap.

Sabi naman nito kay Boy, “You feel it, ‘di ba? But then, yun nga, when you hear a wedding talaga, it changes, e. “Parang sasabihin mo talaga…but I said, I told them pa, ‘Make sure wala ako rito, ha, kapag ikinasal sila.’ Kasi, baka ano ang masabi ko pa at maging wicked witch pa ako!” dagdag pa niya.

At sa tanong kung pupunta ba siya sa kasal nina James at Michaela sakaling imbitahan siya ng mga ito, “If I’m gonna attend the wedding at in-invite nila ako, I’ll make sure na super-guwapo yung date ko para hindi ako mukhang kawawa!”

Kahapon naman, naging usap-usapan ang sorpresang pagbisita ng TV host-actor na si Derek Ramsay sa set ng Kris TV. Isa kasi si Derek sa mga lalaking nali-link sa mommy nina Joshua at Bimby.

Nu’ng una ay nagdadalawang-isip pa si Kris kung yayayain si Derek na umapir sa harap ng camera, “Pwede ko ba siya papasukin? Papasukin na natin pwede para lang maka-thank you ako, kasi kapag malungkot ako, siya talaga ang nagpapasaya sa akin.

Pasok ka na Derek. Say hi lang,” panyaya niya sa aktor.  “Welcome back from Palawan. Naghe-hello lang kapitbahay natin siya. Baka kasi mapagalitan siya sa kabila at mapagalitan ako dito, so nandiyan siya sa likod, okay na ‘yan,” dagdag pa ni Kris.

Nagkatuksuhan naman ang nasa paligid ni Kris nang i-dedicate pa ni Kris kay Derek ang kanta ng guest nila nang umagang iyon na si Juris, ang “Dreaming of You”.

“Derek, para sa iyo ‘yan. Ha-hahaha! Bakit? We have democracy. It’s a free country. We can express ourselves,” baling ni Kris sa mga co-host niyang sina Pokwang at Carmina Villaroel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to james yap official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending