‘GIYERA’ nina Coco at Cherie tsismis lang, magkasama pang mag-dinner | Bandera

‘GIYERA’ nina Coco at Cherie tsismis lang, magkasama pang mag-dinner

Reggee Bonoan - June 17, 2014 - 03:00 AM


KINLARO ni Dreamscape Entertainment head Deo T. Endrinal ang nasulat na nag-walk out daw si Coco Martin sa taping ng Ikaw Lamang dahil tatlong araw na raw silang walang tulugan sa set. Wala raw itong katotohanan.

May nagkuwento raw na hindi napigilan ni Coco na lisanin ang taping ng Ikaw Lamang dahil hindi na niya kaya ang pagod at puyat sa tatlong araw na magkakasunod lalo’t lagare pa siya noon sa promo ng movie nila ni Sarah Geronimo na “Maybe This Time”.

Nagpaalam naman daw si Coco na aalis na siya dahil kailangan naman niyang magpahinga kaya wala raw nagawa ang production at ang kanyang mga co-stars sa programa kundi ang i-pack-up na lang ang kanilang taping.

Anyway, nakarating daw ito sa Dreamscape bosses at nagpa-meeting sila tungkol sa ginawa ni Coco, pero ang ending wala naman daw parusang ibinigay sa aktor.

Paliwanag ni sir Deo sa amin, “Never nag-walkout si Coco sa Ikaw Lamang kahit naglagare ‘yan ng pelikula at TV dahil hindi naman kami nag-taping ng three days na walang tulugan dahil puro senior ang cast namin.

“At si Cherie (Gil) nga, naloka kasi nag-away daw sila, e, wala namang ganu’n. Wag na lang nila bigyan ng anggulo para lang magkaintriga.

“Bawal ang nega lalo ngayon, apat ang shows (ng Dreamscape Entertainment), dapat positive lang,” sabi pa ng TV executive.
Oo nga, napansin n’yo, sinolo na ng Dreamscape ang primetime ngayon ng ABS-CBN – magsisimula sa MiraBella nina Julia Barretto at Enrique Gil, na susundan naman ng Dyesebel nina Anne Curtis, Sam Milby at Gerald Anderson, tapos ang Ikaw Lamang nina Coco, Kim Chiu, Jake Cuenca at Julia Montes at ang bagong bukas ngang Sana Bukas Pa Ang Kahapon nina Paulo Avelino at Bea Alonzo.

Isa pang isyu ay ang nasulat na magkaaway sina Coco Martin at Cherie Gil kaya pinapatay daw ng aktor ang kontrabidang aktres sa Ikaw Lamang.

Matatandaang nasulat namin dito na pinatay na ang karakter ni Cherie bilang si Miranda sa nasabing serye sa dahilang hanggang mid June lang daw ang kontrata ng aktres sa nasabing serye dahil nga pupunta siya ng ibang bansa para makasama ang mga anak ngayong summer.

Ito ang naging usapan nina Cherie at Dreamscape executives kaya nagtataka ang kontrabidang aktres kung saan galing ang tsikang kaya siya agad na pinatay sa Ikaw Lamang ay dahil nakaaway niya si Coco.

Samantala, nitong nakaraang Sabado ay nagkaroon ng thanksgiving dinner para sa buong cast ng Ikaw Lamang at bilang farewell party na rin kay Cherie.

Napagkuwentuhan daw ang tsikang nag-away sina Coco at Cherie na talagang pinagtawanan lang ng lahat dahil it’s a big lie raw.

Ayon pa sa kuwento sa amin ng mga taong nasa dinner, “Kung totoong nag-away sila, sa tingin mo mag-a-attend silang lahat sa thanksgiving dinner?”

At nang makatsikahan naman si Cherie nitong weekend ng ilang bloggers ay mariin din niyang itinanggi ang isyu sa kanila ni Coco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to coco martin official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending