Maricel, Alessandra nagtatarayan sa taping? | Bandera

Maricel, Alessandra nagtatarayan sa taping?

Reggee Bonoan - June 16, 2014 - 03:00 AM

SAAN nga ba galing ang tsikang nagtarayan, at hindi nag-uusap sina Maricel Soriano at Alessandra de Rossi?  May tsika pang lagi raw late ang Diamond Star sa taping ng kanilang teleserye kaya imbyerna raw ibang cast at production?

Kuwento mismo sa amin ng isang taga-GMA, kahit sila ay nagtataka kung saan nagmula ang isyung ito. Ayaw naming isipin na kaya ginawan ng isyu sina Marya at Alessandra ay para umingay ang kanilang soap opera dahil katapat nila ang The Legal Wife na alam naman ng lahat na talagang pinag-usapan at pinanood ng milyun-milyong Pinoy.

E, ang serye ba nina Maricel ay nakatikim na ng worldwide trending? Sabi nga ng isang nakausap namin, baka raw ginagawan lang talaga ng isyu sina Maricel at Alex para pag-usapan ang kanilang primetime show.

Ang tanong makatulong kaya sa rating ng nasabing programa ang nasabing chika, lalo na ngayong magsisimula na rin ang bagong teleserye ng ABS-CBN na makakatapat nito, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ni Bea Alonzo?

Samantala, ang chika pa ng kausap naming taga-GMA ay nagpapa-imbestiga na sila kung saan galing ang isyu kina Maria at Alex, dahil wala naman daw talagang nangyayaring hindi maganda sa taping ng kanilang serye.

Bukod dito, maging ang kampo raw ni Maricel ay nag-iimbestiga na rin kung sino ang nagpapakalat ng malilisyosong tsismis tungkol sa dalawang celebrities.

Anyway, tagumpay naman ang paglabas ng isyung ito dahil napaingay nila ang serye nina Maricel at Alex at nakuha nila ang atensyon namin.

Samantala, ngayong gabi na nga magsisimula ang kapalit ng The Legal Wife sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon pagkatapos ng Ikaw Lamang.

Sigurado kaming marami na ang naku-curious kung paano tatakbo ang serye kung saan may dalawang magkaibang karakter si Bea Alonzo.

Bukod dito, gusto ring mapanood ng viewers kung totoong nakakakilig ang tambalan nina Bea at Paulo, pati na rin ang magiging confrontation scenes ni Bea sa napakagaling na kontrabida na si Maricar Reyes-Poon.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending