Yeng Constantino di maramot sa pagtulong sa mga baguhang singer | Bandera

Yeng Constantino di maramot sa pagtulong sa mga baguhang singer

Reggee Bonoan - June 15, 2014 - 03:00 AM


Ang bagong single na “SeenZoned” ni Yeng Constantino ang carrier single sa “The Next Step Volume 2” ng Academy of Rock kung saan kasama rin ang mga graduates ng nasabing music school.

Ang “Next Step Volume 2” album ay binubuo ng mga awiting “Straighten Those Knees” ni Ruth Ann Lee; “Whispers” ni Nicki Lucido; “Don’t Give Up” ni Chloe Villaret; “Primavera” ni Carmela Nina Gonzales; “Reach The Sky” ni Kelcey Palileo; “People” by Ruth, Nicki, Carmela, Chloe at Kelcey.

Base sa napanood naming music video ng mga estudyante ng AOR ay iisipin mong mga professional singer na sila sa galing at hindi na kami magtataka kung pagdating ng panahon ay sumikat din sila tulad ni Yeng.

Sa presscon ng Academy of Rock noong nakaraang Sabado ay tinanong si Yeng kung ano ang kuwento sa likod ng bago niyang awitin na “SeenZoned”.

“Usung-uso kasi ngayon ang chat sa social media, tapos panay ang tsika mo, hindi ka naman sinasagot, pero alam mo na nababasa niya, ‘yun ang ibig sabihin ng ‘SeenZoned’ dume-deadma sa inyo na mga crush niyo,” kuwento ng Ambassadress ng Academy of Rock Singapore sa ikalawang taon.

Samantala, bilang parte ng Academy of Rock Outreach program 2014 ang “Next Step Volume 2” album ay nagkaroon ng album launch cum concert na may titulong “We Are Young Charity Concert” sa Music Museum noong Hunyo 7, sa pangunguna ni Yeng kasama ang mga AOR students buhat sa Singapore at Piipinas na talagang nagpakita ng kani-kanilang talento sa pagtugtog ng musical instrument at ganda ng boses.

Ang proceeds na umabot sa P201,300 sa ginanap na show ay mapupunta sa Bantay Bata Foundation.“Walang mababago sa music ko, kung ano ‘yung mga kinakanta ko at kino-compose ko, ganu’n pa rin.

Usually kasi sabi nila kapag nag-asawa na, mababago na ‘yung kind of music ko, baka mag-mellow na hindi po, ganu’n pa rin,” say ni Yeng.

At hindi lang pala para sa mayayaman ang Academy of Rock dahil puwede rin ito sa masa tulad nga ng sinabi ng kinatawan ng AOR na nagbukas na sila ng branch nila sa Megamall bukod pa sa Rockwell.

Naghahanap din daw sila ng lugar para sa Quezon City.

( Photo credit to yeng constantino official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending