Cherie Gil tsinugi raw sa Ikaw Lamang dahil sa P250,000 per day talent fee | Bandera

Cherie Gil tsinugi raw sa Ikaw Lamang dahil sa P250,000 per day talent fee

Reggee Bonoan - June 14, 2014 - 03:00 AM


NAGING usap-usapan ang pagpatay sa karakter ni Cherie Gil bilang si Miranda Salazar-Hidalgo na asawa ni Tirso Cruz III bilang si Gov. Eduardo Hidalgo sa master-seryeng Ikaw Lamang na ipinalabas noong Miyerkules ng gabi.

Sinundan kasi ni Cherie ang amang si Ronaldo Valdez (Maximo Salazar) nang makipagkita siya kay John Estrada (gumaganap na Gonzalo Miravelez) sa gubat na may planong hindi maganda.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Maximo (Ronaldo) at Gonzalo (John) hanggang sa umawat si Miranda (Cherie) na humantong nga sa barilan at ang huli ang tinamaan.

Wala kaming alam na maagang papatayin ang karakter ni Cherie dahil sa pagkakaalam namin ay hanggang Setyembre pa ang Ikaw Lamang kaya na-gulat kami.

Nataon namang may mga nabasa pa kaming blind item kung saan tinutukoy ang isang veteran actress na parating kontrabida ang papel, namomroblema raw sa kanya ang production dahil bigla na lang daw itong umaalis sa set bagay na ginawa na noon ni Cherie sa taping ng Ikaw Lamang.

Pero sa pagkakaalam ko, naayos na rin ang problemang ito.Sabi pa sa blind item, plano nang patayin ang karakter ng veteran actress dahil mahal din ang talent fee nito (P250,000) per taping at kung maka-apat na araw siya sa isang linggo ay tumataginting na P1 million na ang TF niya.

Kaya habang pinapanood namin ang Ikaw Lamang noong Miyerkules at pinatay na nga si Cherie ay naalala namin bigla ang blind item na nabasa namin.

Tinanong namin ang isang TV executive tungkol sa pagpatay sa papel ni Cherie, “Talagang hanggang mid-June lang contract niya kasi she will be in New York (USA) with her kids for summer.”

At tungkol naman sa sinasabing P250,000 per taping day ang bayad sa kanya, “Wow, ang yaman naman! Ha-hahaha! Hindi ah! Wit!” say pa ng aming source.

Sabi pa ng isang executive sa amin, “Kailangan na talagang patayin siya sa kuwento.” Hayan, maliwanag na bossing Ervin, hindi sinadyang tsugihin ang karakter ni Cherie sa Ikaw Lamang at hindi rin truliling P250,000 ang TF niya kada taping.

Mukhang masaya naman si Cherie sa last taping day niya sa Ikaw Lamang dahil may picture taking pa at abut-abot ang pasalamat niya sa kanyang Twitter account. In fairness, mami-miss ng viewers ang ka-malditahan ni Miranda, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to cherie gil official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending