TV5 binigyan ng bodyguard si Jasmine | Bandera

TV5 binigyan ng bodyguard si Jasmine

Reggee Bonoan - June 12, 2014 - 03:00 AM


KASISIMULA pa lang ng bagong self-titled series ni Jasmine Curtis Smith sa TV5 at iisa ang sinasabi ng televiewers – mas magaling siyang aktres kesa sa kanyang ate Anne Curtis.

To be fair, agad-agad naman nga nakatanggap si Jasmine ng acting award sa Cinemalaya. At ngayong bida na siya sa love mystery drama series ng TV5 na Jasmine, mas marami ang nakakapansin ng husay niya bilang isang aktres.

Maging ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ay nagpapatunay dito, sa kanilang pagsasama sa kanilang upcoming horror film na “Dementia”.

Samantala, matapos makansela ang taping at airing ang Jasmine last Sunday ay back to regular programming na ito.
Matatandaang pansamantalang itinigil ang taping ng series sa utos ng direktor nitong si direk Mark Meily sa pagkakadiskubre na may mga miyembro ng production ang nakatanggap ng “mala-stalker” na texts at online messages habang sila’y nagte-taping.

Dahil dito, kinansela  ang taping para pangalagaan ang kaligtasan ng cast at production team. Nagdesisyon ang Kapatid network na ipagpatuloy na ang taping ng series matapos imbestigahan ang insidente.

Siniguro rin ng TV5 na magdadagdag ng security para na rin sa kaligtasan ng lahat. “Upon our investigation, the texts and tweets were considered harmless. Jasmine’s airing and taping will proceed as scheduled,” ani Direk Mark.

Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang katauhan ng sinasabing “stalker”. Sa serye, gumaganap si Jasmine Curtis bilang isang fictional version ng kanyang sarili, isang rising actress na binubulabog din ng isang stalker.

Sa pilot episode ng series, tinutukan ng mga netizens ang web streaming ng nasabing programa kaya naman ito sa ngayon ang most watched TV5 series online.

Nag-trending din ang hashtag na #JASMINETheSeriesPilotEpworldwide sa Twitter at sa ngayon, masasabing ang Jasmine ang TV5’s fastest growing online community.  Huwag palampasin at tutukan ang second episode ng series ngayong Linggo, 9:15 p.m. sa TV5.

( Photo credit to jamine curtis official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending