Daniel Matsunaga pampa-‘L’ lang sa ‘PBB’; Alex biglang natememe | Bandera

Daniel Matsunaga pampa-‘L’ lang sa ‘PBB’; Alex biglang natememe

Reggee Bonoan - June 10, 2014 - 03:00 AM


MAY nakatsikahan kaming taga-ABS-CBN ang nag-agree sa nasulat naming walang karakter ang Pinoy Big Brother All In housemates ngayon base na rin sa nabanggit sa amin ng ilang taga-advertising agency.

Sa magkasunod na showbiz events na pinuntahan namin ay inamin mismo ng mga taga-Dos na dismayado sila sa bagong batch ng PBB dahil wala silang nakikitaan ng potensiyal kumpara sa nagdaang mga season ng reality show.

Binanggit sa amin ang anak ng TV host na si Phoemela Barranda na si Nicole na hindi nga namin mapansin kapag nanonood kami nito.

“Yung Nicole, wala lang din, hindi naman nagmarka,” say ng aming source. Tinanong namin kung ano ang masasabi niya kay Manolo Pedrosa na malakas sa social media, “Hindi naman consistent, minsan galit tapos hindi.

Wala, hindi niya mararating ang narating ni Gerald,” mabilis na sabi sa amin. Timing naman ang pagkukumpara kina Gerald at Manolo dahil iisa ang naka-discover sa kanila, ang kaibigang Jun Reyes.

Sabi pa namin sayang si Alex Gonzaga, siya sana ang magpapa-rate ng show, kaso biglang naging pa-conservative kaya nawalan ng buhay ang Pinoy Big Brother All In, “Oo nga, kasi kailangan niyang gawin iyon kasi may shows siya, The Voice Kids at Pure Love, so hindi siya puwedeng maging nega sa loob,” sagot sa amin.

At dito kami naloka, “Si Daniel (Matsunaga), hindi rin nakatulong, libog lang naman siya ro’n, panay ang pakita ng katawan. Wala lang.”

Kaya raw siguro naisip ni Kuya na magkaroon ng nude painting session, “Siguro nga para magkaroon ng ingay, waley kasi talaga ang show!”

Pero maski raw walang karakter ang housemates ng PBBAI ay mataas pa rin ang rating nito kumpara sa katapat na programa ng TV5 at GMA.

( Photo credit to daniel matsunaga official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending