Serye nina Paulo at Bea pinalakpakan; Maricar takot nang mag-grocery | Bandera

Serye nina Paulo at Bea pinalakpakan; Maricar takot nang mag-grocery

Reggee Bonoan - June 09, 2014 - 03:00 AM


PARANG hindi na namin mahintay ang June 16 para sa pagsisimula ng soap drama na Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Bea Alonzo.

Nabitin nga ang lahat nang mga nanood sa special cinema screening na ibinigay ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment sa Trinoma cinema 7 kung saan ipinalabas ang pilot week ng programa.

Dalawa ang karakter ni Bea rito, si Emmanuel, ang magandang abogada na asawa ni Albert Martinez (may isa silang  anak) at apo ni Ms. Susan Roces na may-ari ng isang chocolate business na karibal naman ng kompanya nina Rose (isa pang Bea)  na hindi naman biniyayaan ng kagandahan pero sobrang talino.

Siya ang tagapagmana ng kanilang negosyo. Halos lahat ng mga nakapanood sa unang linggo ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay halos iisa ang komento – maganda at  kakaiba ang istorya at ang gagaling lahat ng mga kasaling artista.

Totoo, mukhang sinadya nga ng Dreamscape Entertainment na pagsama-samahin ang halos lahat ng mahuhusay na artista sa isang serye.

Samantala, sa pilot week pa lang nito ay napakarami nang nangyari, napakabilis ng takbo ng kuwento, at sa bawa’t araw ay kaabang-abang ang bawat eksena.

Totoo nga ang sabi sa amin ng head ng Dreamscape na si sir Deo Endrinal na hindi siya pressured kahit na ang papalitan nila ay ang laging trending na The Legal Wife.

Sa umpisa ng kuwento ay happy family pa sina Rose hanggang sa namatay ang nanay niya at sa murang edad ay ginampanan na ang pagiging ate sa bunsong kapatid at pag-aalaga sa nabalong ama.

Hanggang sa magpakasal uli ang daddy niya kay Dina Bonnevie na may isang anak, na gagampanan ni Maricar Reyes, sita ang magiging kontrabida sa buhay ni Rose.

Komento lang ng ilang katoto, hindi raw convincing ang papel ni Bea bilang hindi kagandahang si Rose. Napakayaman daw kasi nito kaya bakit hindi ipinaayos ang kanyang kilay at ngipin na naging dahilan kung bakit lagi siyang nagse-self pitty, lalo na pagdating sa mga lalaki.

May sagot sa amin ang Dreamscape head na si Sir Deo, “Maraming ganu’n, maganda ba si ____ (kilalang anak ng may-ari ng malalaking mall).  Mas mayaman, mas simple.

Nasa showbiz lang tayo kaya motivated tayo ng beauty. But the typical old rich, they buy their clothes in SM, not even branded. I can name other cases, especially sa mga Chinese families.”

At may dahilan din kaya hindi nagparetoke si Rose sa kuwento, dahil sa kanyang pagbabalik matapos ang isang trahedya sa buhay niya, isang plano ng paghihiganti ang gagawin niya laban sa mga taong nanloko at nang-api sa kanya.

At dito na nga magbabago ang kanyang itsura. Masalimuot ang kuwento ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, pero isa-isang ipapaliwanag ito habang tumatakbo na ang kuwento.

Ang magandang pagsisimula ng relasyon nina Rose at Patrick (Paulo) ay mauuwi sa galit at paghihiganti, ito’y dahil na rin sa kasamaan ni ShaSha (Maricar) na ex-girlfriend pala ni Paulo. Siya ang nagplano na paibigin ni Patrick si Rose para masira ang diskarte nito sa kanilang negosyo.

Sa pilot week, mamamatay na ang tatay ni Rose, at siya mismong anak ang pagbibintangang pumatay dito kaya siya ang makukulong. Dito na muling magkukrus ang landas nila ng isa pang karakter ni Bea, ang abogadang si Emmanuel.

Dito pa lang actually magsisimula ang kuwento ng dalawang babaeng pinagtagpo ng kapalaran para maisakatuparan ang kanilang planong maghiganti sa mga taong nanloko at nang-agrabyado sa kanila.

At tinitiyak namin, may bagong  kamumuhian ngayon ang manonood, si Maricar Reyes na napaka-effective pala bilang kontrabida. Siguradong  makakatikim ng hindi magagandang salita ngayon ang aktres dahil sa pang-aapi kay Bea.

Natawa kami sa kuwento sa amin dahil habang pinapanood daw ni Maricar ang sarili ay nasambit niyang, “Oh, my God! I can’t go na to grocery.” Oo nga, lagot si Mrs. Poon!

Kudos to Dreamscape Entertainment team at siyempre sa lahat ng artistang kasama sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, pati na kina direk Trina Dayrit at Jerome Pobocan for another project na tatatak sa puso ng mga Pinoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending