Zanjoe sinusundan ang yapak ni Bossing: Siya talaga ang idol ko! | Bandera

Zanjoe sinusundan ang yapak ni Bossing: Siya talaga ang idol ko!

Reggee Bonoan - June 04, 2014 - 03:00 AM


Puring-puri ni Direk Tony Y. Reyes si Zanjoe Marudo sa pelikulang “My Illegal Wife” dahil hindi raw siya nahirapang idirek ang aktor dahil parang si Vic Sotto raw ang istilo nito.

“I’m really  amazed with Zanjoe kasi parang nakita ko ang young Vic Sotto sa kanya,” papuri ni direk Tony kay Z (palayaw ng aktor).At nataon din daw na idolo ni Zanjoe si bossing Vic.

Pwedeng-pwede talagang ikumpara si Zanjoe sa TV host-comedian dahil pareho sila nitong tahimik lang pero malalim. At tulad ni Vic, ngiti lang ang isinasagot ni Zanjoe kapag napupuri siya.

Say ni Zanjoe, “Thank you Direk Tony. Thank you at nagkatrabaho tayo at kahit paano naramdaman kong ako si Vic Sotto sa pelikulang ito.”

Sadya bang sinusundan ni Zanjoe si bossing Vic? “Ewan ko kung saan man dalhin. Nu’ng bata ako, sila na talaga ‘yung mga pinapanood ko hanggang ngayon.

“So hindi na talaga nawala sa ‘kin, sila Bossing talaga,  nakuha nila ‘yung market ng lalaki,” paliwanag ng ng “illegal husband” ni Pokwang sa latest movie ng Star Cinema.

At ang nagustuhan daw ni Z kay Vic, “Siguro yung ano, ‘yung pagiging relaxed, napaka-relaxed na tao.” Oo nga, ito kasing si Zanjoe, relax din, bihira mo ring makitang ngumiti, lalo na kapag ini-interview.

Anyway, nakatsikahan naman namin kamakailan si Bea Alonzo sa pocket presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon at natanong ang dalaga kung kailan nila plano ni Zanjoe na magpakasal, sabi ng aktres wala pa sa isipan nila at hindi rin nila pinag-uusapan pa.

Inamin din naman ng aktor na hindi nga nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal at iba  ang iniisip niya, “Kumbaga, hindi naman ‘yun ang pinaghahandaan ko.

Hindi ‘yung proposal or kasal, hindi ko sinasabing hindi importante. “Importante ‘yun, minsan lang mangyayari ‘yun. Pero ngayon, ang pinaplano ko, pinaghahandaan ko sa utak ko, ‘yung after.

Kumbaga, ‘yung paglagay sa tahimik at paano bibigyan ng magandang kinabukasan yung bubuuin mong pamilya. “Yung proposal, kasal, madali na ‘yan kapag malapit na.

Mas maganda kung bigla mo siyang maisip kung paano,” katwiran ni Z. Dagdag pa ng aktor, “Sa amin, parang nagkakailangan pa kung paano paplanuhin. Parang malayo pa naman, e, parang nakakailang pang pag-usapan.

“Alangan naman na ‘O, paano kapag ikinasal tayo, anong gusto mo?’ Parang ganu’n,” ngiti ng binata. Samantala, walang pressure sa parte ng aktor kung kailan siya magpo-propose, “Hindi ko kayang bigyan ng saktong panahon.

Siguro kapag dumating talaga ang time na malay mo, bigla kong maisip, bigla akong nagkaroon ng lakas na loob na tanungin o mag-ask ng permiso sa pamilya niya.

Siguro kapag handa na akong tumanggap ng sagot ng pamilya niya. Hindi ko yun sisiguraduhin, dapat, oo na.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to zanjoe marudo official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending