Coco sa tagumpay ng movie nila ni Sarah: Di ako makapaniwala, hindi ako makatulog! | Bandera

Coco sa tagumpay ng movie nila ni Sarah: Di ako makapaniwala, hindi ako makatulog!

Reggee Bonoan |June 01,2014
facebook
share this

Coco sa tagumpay ng movie nila ni Sarah: Di ako makapaniwala, hindi ako makatulog!

Reggee Bonoan - June 01, 2014 - 03:00 AM


“Steady sa P20 million.” Ito ang sabi sa amin ng taga-Star Cinema nang tanungin namin ang kinikita ng “Maybe This Time” simula nu’ng nagbukas ito noong Miyerkules.

Noong Huwebes at Biyernes daw ay P20 million din ang kinita ng pelikula nina Coco Martin at Sarah Geronimo at inaasahan mas tataas ito ngayong weekend.

Kung hindi raw magbabago ang takbo ay posibleng kumabig ng P250 hanggang P300 million ang unang pelikula ng tambalang “CoSa”. Ngayon pa nga lang ay marami na ang nagre-request na sana ay may part two rin ang pelikula.

Idinirek ni Jerry Lopez Sineneng ang “Maybe This Time” ay  isang love story tungkol sa dalawang tao na matututunan ang kahalagahan ng pagiging totoo sa kanilang mga sarili upang magwagi at manaig ang pag-ibig.

Tampok din sa “Maybe This Time” sina Ruffa Guttierez, Ogie Diaz, Dennis Padilla, Marlann Flores, Zeppi Borromeo, Garlic Garcia, Minnie Aguilar, Boboy Garovillo at Sharmaine Buencamino.

Samantala, base sa panayam kay Coco tungkol sa pagtabo sa takilya ng “Maybe This Time”, “Hindi ako makapaniwala, hanggang pag-uwi ko sa bahay halos hindi ako makatulog.

Kaya nga sabi ko hindi lang nila alam kung gaano ako kaligaya na hindi ko inakala na makakagawa ako ng ganitong klaseng pelikula.”

Kung may isang eksena raw sa pelikula ang talagang gustung-gusto ni Coco, ito ay, “‘Yung dulo sobra akong kinilig. Sabi ko nga kahit ako nga artista sobrang kinilig. Pero sabi ko masaya eh, kikiligin ka at papaiyakin ka.”

At alam n’yo ba, halos lahat pala ng dialogue nila ni Sarah sa ending ng movie ay wala na sa script, ani Coco, “Yung mga dialogue namin, ‘yung adlib-adlib namin, kami na ‘yun eh.

Kumbaga,  basta si direk, inupo lang kami, (sabi niya) ‘Bahala na kayo ha,’ kumbaga ‘yun na tinatawag na chemistry.”
Nakakatuwa rin si Coco bossing Ervin, dahil lahat ng taong naghirap at nagpuyat para mabuo ang “MTT” ay personal niyang pinasalamatan with matching bulaklak. Kay Sarah kaya ano ang ibinigay ni Coco?

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending