Derek binuburo raw ng TV5; pero kumikita kahit walang trabaho
HINDI pa pala nagsisimulang mag-taping ang second season ng The Amazing Race Philippines na iho-host ni Derek Ramsay, may mga inaayos pa kasing legalidad sa magiging takbo ng programa, say mismo sa amin ng isang taga-TV5.
Sabi namin, madali lang ba itong kunan dahil sa Agosto o Setyembre na ang airing nito at may pre-production pa, aabot kaya sila sa takdang araw?
Maraming nagtatanong sa amin na mga kababayan sa ibang bansa kung ano ang next project ni Derek sa TV5 dahil binuburo na raw yata siya ng istasyon at sana hindi na lang siya umalis sa ABS-CBN.
Dati-rati kasi ay kaliwa’t kanan ang project niya sa TV5, pero ngayon ay hindi siya visible dahil ang huli niyang project ay ang For Love Or Money kasama sina Alice Dixson at Ritz Azul na nagtapos noong 2013 pa at nangangalahati na ang 2014, hindi pa rin napapanood ang aktor.
Hmmmm, napapanood ba ang TV5 sa ibang bansa bossing Ervin? Bakit alam nilang walang project si Derek? At mas lalo pang nabahala ang ilang kababayan natin ng mabasa raw nila na iiwan na ni Derek ang showbiz na feeling namin ay misinterpreted ang aktor.
Kaya tinanong namin ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong kung ano ang totoo sa plano ng alaga niya. “Ha? Wala pa nga sa horizon ‘yan. Next year pa kami matatapos (kontrata) and too early to talk about that.
But most most likely, we are inclined to renew because maayos at mabait na kausap si MVP (Manny V. Pangilinan).
“Derek is the only one or two of TV5 artists that are guaranteed to be renewed once expired.
This is what TV5 boss intimated, so we are not worried. So we are okay and will continue to be okay. “Again, patas kausap si MVP, he allows us to work with any film company as in any.
Derek is exclusive only for TV,” paliwanag sa amin ng manager ng aktor. Mukhang totoo nga na isa lang si Derek sa dalawang artistang may guaranteed contract na ire-renew ulit ng TV5 dahil may nakatsikahan kaming mga manager ng artista na inoperan din noon ng kontrata ay hindi na ni-renew.
Kuwento ng isa sa managers, “Nu’ng nakipag-meeting kami sa TV5 at tinanong ko kung anong plano nila (artista), wala raw dahil hindi na sila magre-renew ng kontrata ng artista, kukunin na lang daw on a per program basis.
Sa madaling salita, walang kasiguraduhan kung may trabaho o wala. “Kaya sabi ko sa mga boss ng TV5, ililipat ko na lang ang alaga ko kasi sayang naman baka kasi may offer ang ibang istasyon, e.
Nagpaalam kami ng maayos na aalis na kami sa TV5 at pumayag naman sila,” sabi sa amin. Sina Alice, Gelli de Belen, Tintin Bersola at Rep. Lucy Torres-Gomez kaya magre-renew din?
Wala pa kasi kaming nababalitaang susunod nilang project pagkatapos ng Confessions of A Torpe at namemeligrong pamamaalam ng Face The People at ang nalalapit na pagtatapos ng Celebrity Dance.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.