Coco iyak nang iyak, apektado sa tismis sa kanila ni Ate Guy | Bandera

Coco iyak nang iyak, apektado sa tismis sa kanila ni Ate Guy

Reggee Bonoan - May 18, 2014 - 03:00 AM


Inabangan ng entertainment press ang pagsasalita ni Coco Martin sa nakaraang presscon nila ni Sarah Geronimo ng “Maybe This Time” tungkol sa isyu sa kanila ni Nora Aunor.

Pero bigo ang lahat dahil nangako raw ang aktor na sa exclusive interview niya kay Boy Abunda na mapapanood ngayong hapon sa re-launching ng The Buzz lang niya ibibigay ang panig niya tungkol sa gusot nila ng nag-iisang Superstar.

Kaya si Biboy Arboleda na lang ang kinulit namin tungkol sa balitang naubos ang savings ni Coco dahil sa kauutang ni Ms. Nora Aunor para may ipambayad sa renta niya sa bahay na tinutuluyan niya.

Hindi naman naging maramot si Biboy, “Kung hurt si Ate Guy bilang nanay-nanayan ni Coco dito sa industriya, hurt din naman ‘yung anak ko, di ba? Nahe-hurt siya sa sitwasyon nila ni ate Guy, bakit kasi palabasing nangungutang ang Superstar?”

Ayon pa raw kay Nora ay hindi man lang daw kinlaro ni Coco ang isyu dahil ilang beses na tine-text ng aktres ang aktor pero hindi sumasagot.

“Ang last trail of messages nina Coco at ate Guy ay February 14 (2014) pa. Nu’ng lumalala na itong sitwasyon, nag-text si Coco kay ate Guy, mahaba at nabasa ko rin ‘yun, malamang hindi nakapasok sa phone ni ate Guy.

“Paano na-lost in translation in between, nagpalit ang anak (Coco) ko ng number recently, tapos sabi ko, ‘Anak, alam ba ni ate Guy itong bago mong number?’ ‘Opo mother, ito ang number na pinang-text ko nu’ng Valentines (Feb 14).

“Hindi ko ide-defend si Coco at hindi ko rin ide-defend si ate Guy, saan ba nag-umpisa ang gulong ito, sa isang article na hindi ko alam kung ano ang objective at ano ang intension.

Kung totoo ba na umutang si ate Guy kay Coco, hindi! Alam ko ba, hindi! Kung nagkataon na may usapan ang dalawa between themselves, e, di kanila ‘yun?

“Ako ang may hawak ng datung ng anak ko (Coco), kaya malalaman ko kung may papasok at may lalabas. At kung may lalabas, magsasabi naman si Coco kasi marami naman siyang tinutulungang tao at artista na nangangailangan na hindi na namin pinangangalandakan pa.

So nakakapanghinayang lang,” kuwento ng manager ng aktor. Naging super-close raw sina Coco at Nora nu’ng gawin nila ang “Padre de Familia” na ipinrodyus mismo ng aktor kaya sobrang taas ng paggalang niya sa nag-iisang Superstar dahil pumayag na makasama siya at higit sa lahat, ang ganda raw ng samahan nilang dalawa at ng ibang kasamahan nila sa set.

“Kung kumusta na si Coco, hayun, naiiyak na naman, sa totoo lang. Bago siya pumunta sa presscon kanina (ng Maybe This Time), sinabi niya na nasasaktan siya, sabi ko naman, ganu’n talaga, sabi nga nila kapag sumisikat at tumataas ang tao, hihilahin at binabato.

Kaya huwag kang matakot, ilagay mo (sarili) kung hanggang kaya mong tanggapin, pero huwag ka ring mag-break down kasi artista ka,” pagtatapat ni Biboy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo dredit to coco martin officaial fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending