Pelikula nina Kris, Coco, Chito Roño ilalaban sa MMFF 2014
Isa si Kris Aquino sa sumusuporta sa proposed bill ni Sen. Antonio Trillanes na itaas sa isang daang porsiyento ang suweldo ng public school teachers na ilang taon nang under paid at over worked.
Kapag naging batas na ang Senate Bill No. 487 ang magiging minimum salary sa public school teachers na Salary Grade 11 ay aangat sa Salary Grade 20. Lalabas na P36,567 na kumpara sa tinatanggap ngayong P18,549 ng public school teachers.
Sabi ni Kris sa amin ay, “They are true heroes,” nang tanungin namin kung bakit nanawagan siya ng suporta sa mungkahing pagtataas ng suweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan sa buong Pilipinas.
Sa episode ng Aquino & Abunda Tonight noong Lunes ay pinag-usapan nina Kris at Boy Abunda ang tungkol sa maliit na sahod ng mga guro na napakarami pang kinakaltas kaya halos wala ng natitira at hindi na kayang bumuhay ng pamilya.
Bagamat tumutulong si Kris sa pagpapatayo ng classrooms at school buildings sa iba’t ibang pampublikong paaralan ay hindi raw dapat kalimutan ang human factor o ang wastong pasuweldo sa mga guro, na aniya’y mga tunay na bayani dahil sila ang humuhubog sa mga kabataan na future citizens ng ating bansa. At mas ganado pa raw magbayad ng buwis sa BIR si Kris kapag alam niyang mapupunta ito sa mga guro ng bansa.
Samantala, ayaw namang magbigay ng detalye ni Kris tungkol sa bago niyang manliligaw na may initials na A.G. “Wag na lang,” aniya.
May pelikula sila ni Derek Ramsay sa Regal Entertainment na ididirek ni Erik Matti, “Not for MMFF (2014), utang ko kay Mother (Lily Monteverde) from 2007 pa,” sagot niya sa amin.
Pelikula raw nila ni Coco Martin ang entry sa MMFF, “Movie with Coco Martin to be directed by Chito Roño under Star Cinema at KAP (Kris Aquino Production).”
Samantala, may tsikang magsasama sila ni kuya Boy sa Buzz ng Bayan? “No comment regarding Buzz,” say ng Queen of All Media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.