Alice: Gusto ko ring magkaanak, naiinggit talaga ako sa mga Mom! | Bandera

Alice: Gusto ko ring magkaanak, naiinggit talaga ako sa mga Mom!

Reggee Bonoan - May 08, 2014 - 03:00 AM


BAGAY palang mag-ina sina Alice Dixson at Sarah Lahbati dahil pareho silang tisay at hindi rin nagkakalayo in terms of acting style. Ito ang napansin namin habang pinapanood ang More Than Words, ang Mother’s Day Special ng Studio5 Original Movies na ipalalabas sa Linggo, 9 p.m..

Noong kabataan ni Alice ay para rin siyang si Sarah sa pag-arte at ngayong nagkaedad na ay nag-improve na rin naman at malamang ganito rin ang mangyari sa baguhang aktres pag nagtagal sa showbiz.

Dalagang ina si Alice na kailangan niyang iwan ang anak na si Sarah sa kaibigan niyang mag-asawa na walang anak at nang binalikan ay nalaman niyang ibinenta ang anak dahil sa bisyo ng lalaki at dahil sa galit ay napatay niya ito at nakulong siya pero nakalaya rin at nagtrabaho bilang tagaluto sa kulungan din.

Sina Jackielou Blanco at Ariel Rivera na hindi pinalad magkaroon ng anak ang nakabili kay Sarah at dinala siya sa Amerika at doon pinag-aral at pinalaki pero hindi naging maganda ang pagsasama ng mag-ina dahil lagi silang nagbabangayan.

Ramdam ni Sarah na malayo ang dugo sa kanya ng kinikilalang ina at lahat ng gawin niya ay mali kaya naging rebelde ang dalaga.

Kaibigan ni Sarah si Carl Guervarra na isang singer sa club at niyaya ang dalaga sa kulungan para aliwin ang mga babaeng nakakulong at turuan na rin dahil karamihan sa kanila ay hindi marunong magsulat at magbasa.

Sinubukan ni Sarah ang magturo at na-enjoy niya dahil dito siya nakahanap ng peace of mind at ramdam niyang importante at mahal siya ng mga estudyanteng inmates. Bagay na ikinagalit ng kinalakhang inang si Jackielou.

Sinuway ni Sarah ang ina at ipinagpatuloy ang libreng pagtuturo sa mga babaeng preso hanggang sa nakilala niya si Alice na gustung-gustong matutong magsulat pero hindi nakikihalubilo sa ibang inmates dahil nga pinagtatawanan siya dahil hirap magsalita na tinawag na neurogenic stuttering.

Kaya tinuturuan ni Sarah si Alice ng mag-isa lang hanggang sa nakagaanan niya ng loob, wala siyang kamalay-malay na ito ang tunay niyang ina.

Bumagay ang theme song na “If I Could” na kinanta ni Jamie Rivera sa presscon na ginanap sa Annabelle’s Restaurant noong Lunes na original song ni Regina Belle na ni-revive naman ni Celine Dion.

Samantala, hindi naman na-offend si Alice nang banggitin sa kanya na bagay silang mag-ina ni Sarah dahil nga karamihan sa ibang artista ay ayaw pang gumanap na nanay lalo’t sing-edad ng dalaga.

Say nga ni Alice, “I think this is the first Mother’s Day project that’s been given this much importance, especially since I came back. The last three Mother’s Day na nandito ako, I don’t remember, I was in the middle of a series.”

Sabi ni Alice ay hirap siya sa role niya at challenging ito dahil mahirap palang umarte ng hindi nakakapagsalita ng diretso.
Samantala, inamin ni Alice na pangarap din niyang maging ina, pero hindi nangyari, “I wish I was.

And I think na-mention ko rin before na naiinggit ako sa mga mom kasi iba ‘yung mom’s love, e. Hindi ko na-experience yun to have my own. So, medyo naiinggit ako. I wish I had my own,” say pa sa amin ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending