Tapos na ang ‘pansit canton’ diet ni Alessandra, mapera na uli | Bandera

Tapos na ang ‘pansit canton’ diet ni Alessandra, mapera na uli

Reggee Bonoan - May 04, 2014 - 03:00 AM


TAPOS na ang pagtitipid ni Alessandra de Rosi dahil hindi na raw siya naghahabol ngayon sa pambayad ng monthly dues sa malaking bahay na nabili niya sa Tandang Sora.

Matatandaang puro pancit canton lang ang kinakain noon ng premyadong aktres dahil nga kailangan niyang magtipid para may ipambayad sa bahay niya. E, kasi naman bossing Ervin, sobrang laki ng house and lot na nabili ni Alex na ni-loan pa niya sa bangko, sabi nga ng mga nakakita sa bahay ng aktres, parang hindi raw siya ang nakatira roon kundi mayamang negosyante.

“Ngayon hindi na, kasi hindi na siya naghahabol ng pambayad niya, may guaranteed contract na siya sa GMA,” ang masayang kuwento ng manager ni Alessandra na si direk Manny Valera nang makatsikahan namin kamakailan.

Kinumusta kasi namin kung bayad na nga si Alex sa bahay niya dahil isa kami sa nagsulat noon na “pancit canton diet” siya, “Malapit na niyang matapos, ten years kasi ‘yun, e, siguro two years na lang, sandali na lang ‘yun at hindi naman na siya kinakabahan kasi guaranteed (contract) nga siya ngayon,” kuwento ni direk Manny.

Masinop daw sa pera si Alessandra at sa katunayan ay napakabait din niyang anak at kapatid, “Suplada lang si Alex, pero mabait talaga siya, maalaga.  Sa kanya tumutuloy kapag nandito ang mga kapatid at nanay niya,” say pa ng manager ng aktres.

Hanggang ngayon pala ay nagbibigay pa si Alex sa pamilya niya sa Italy dahil nag-aaral pa ang mga kapatid. Samantala, kinumusta namin ang lovelife ni Alessandra sa manager niya dahil balita namin ay nagkakamabutihan sila ni Sid Lucero na nakasama niya sa isang project?

“Hindi ko alam, kasi hindi ako nakikialam sa love life ng mga alaga ko, kasi hindi mo rin naman sila mapipigilan kung in love. Bahala sila, basta ang sabi ko sa kanila, ayusin nila ang trabaho nila, kung hindi nila priority ‘yun, bahala sila,” sabi sa amin.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending