Make-up artist pinagselosan daw ng misis ni John, natsugi sa trabaho | Bandera

Make-up artist pinagselosan daw ng misis ni John, natsugi sa trabaho

Reggee Bonoan |April 24,2014
facebook
share this

Make-up artist pinagselosan daw ng misis ni John, natsugi sa trabaho

Reggee Bonoan - April 24, 2014 - 03:00 AM

HOW true na super selosa pala ang asawa ni John Estrada na si Priscilla Meirelles dahil lahat daw ng babaeng nagiging kaibigan ng aktor ay pinagdududahan?

Nakatsikahan namin ang isang taga-ABS-CBN na sobrang minomonitor daw ni Priscilla ang kanyang mister kapag nasa taping ng Ikaw Lamang o kapag wala ito sa bahay nila dahil baka kung saan-saan na naman daw nagsusuot ang aktor.

Nagulat kami sa tsikang ito dahil ang alam namin ay nagbago na si John sa pagiging babaero niya simula nu’ng ikasal sila ng dating beauty queen at nagkaroon ng anak na babae.

Iniisip tuloy namin kung pinagseselosan din ba ni Priscilla ang asawa ni John sa master-seryeng Ikaw Lamang na si Angel Aquino na crush ng bayan. Oo naman, di ba bossing Ervin, halos lahat yata ay crush si Angel?

Buti na lang at hindi sweet sina John at Angel sa mga eksena nila sa Ikaw Lamang katulad ng eksena nina Coco Martin at Kim Chiu or else baka nagwala o nagbabantay na sa taping si Priscilla.

Anyway, how true na isa pang kinainisan ni Priscilla ay ang make-up artist ni John na pinaaalis na raw niya?  Kaloka, may nawalan pa tuloy ng trabaho dahil sa kadududa ng asawa ng aktor.

Anyway, bukas ang pahinang ito para kina John at Priscilla.

( Photo credit to johnestradafanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending