Angeline Quinto nabwisit, wala raw permiso ang pagkalat ng hubad na litrato sa Instagram
UMANI ng batikos si Angeline Quinto na nag-post sa Instagram na naka-two piece na may kasamang lalaki. Ayon sa mga nabasa naming komento ay hindi man lang daw iginalang ni Angeline ang Semana Santa dahil sa post na hindi naaayon sa panahon, hindi man lang daw nagtika ang singer.
Natawa na lang ang handler ni Angeline na si Caress Caballero, “Ha-haha! Birthmate nasa pool siya kaya naka-two piece.”
Anyway, nagulat pala si Angeline na lumabas sa social media ang larawang kuha sa pool kasama ang album producer ng Star Records na si Rox Santos dahil wala naman palang pahintulot ang dalaga.
Base sa kuwento sa amin ng taong malapit kay Angeline, “Nagulat siya kasi hindi niya alam na lalabas sa social media, alam niya for personal use lang kasi nga magkakaibigan silang lumabas noong Holy Week sa Boracay, e, hayan, kumalat.
Hindi alam nu’ng bata kung ano ang gagawin niya kasi hindi ipinagpaalam sa kanya.” Tinanong namin kung ano ba ni Angeline si Rox Santos, “Wala kaibigan lang, hindi naman niya boyfriend ‘yun.
Bad trip nga si Angeline,” dire-diretsong paliwanag sa amin.‘Yan na nga ba ang sinasabi ko, kung ayaw ma-post sa social media ang litrato, huwag magpakuha o kaya piliin ang mga taong sasamahan.
Anyway, tinext namin ang manager ni Angeline na si Erickson Raymundo tungkol dito pero hindi pa rin daw niyang nakakausap ang alaga.
Kung kami ang tatanungin ay maayos naman ang kuha ng dalaga at in fairness, sexy na si Angeline ngayon, di ba, bossing Ervin. (Naku, Reggs, ayoko nang mag-comment. Baka ma-bash lang kami! Ha-hahaha! – Ed)
Hmmmm, hindi kaya muling ma-in-love kay Angge (palayaw ng dalaga) ang ilang male artists na na-link sa kanya noon? Hindi na namin babanggitin kung sinu-sino sila, basta may mga naging dyowa si Angge, ha! Ha-hahaha!
( Photo credit to angelinequintofanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.