Rochelle planado na ang pagbubuntis: Gusto ko talagang manganak sa Iloilo! | Bandera

Rochelle planado na ang pagbubuntis: Gusto ko talagang manganak sa Iloilo!

Reggee Bonoan |April 22,2014
facebook
share this

Rochelle planado na ang pagbubuntis: Gusto ko talagang manganak sa Iloilo!

Reggee Bonoan - April 22, 2014 - 03:00 AM


ANIM na taon na palang magkarelasyon sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap pero wala pa sa plano nila ang pagpapakasal, say mismo ng dating Sexbomb dancer.

Puro negosyo raw muna ang pinagkakaabalahan ng dalawa para sa kanilang future. Actually, hindi namin nakilala si Rochelle dahil pumuti at mas lalo siyang gumanda, “Ha-hahaha! Hindi nga? Nagbago ba kulay ko?” tanong niya sa amin. “Naaalagaan ako (ng boyfriend) ng maayos,” nakangiting sambit ng dalaga.

Worth it naman daw kasi matagal bago raw naging magsyota sina Rochelle at Arthur, “Matagal-tagal din bago ko siya sinagot, nagsimula kasi kami sa barkadahan muna.

Kasi di ba sa Daisy Siyete three days ang taping, e, mabilis maka-develop.”  Tanda namin kaya kayod to death noon si Rochelle ay dahil may sakit ang tatay niya at ipinagpagawa pa niya ito ng bahay dahil nga hiwalay na ang magulang niya.

Pero ngayon ay hindi na kailangan ni Rochelle na makuba sa paghahanap-buhay dahil, “Si kuya na ‘yung nagtuloy na gawing apartment ‘yung gilid ng bahay, ginawa niyang paupahan para hindi na siya aasa sa akin.

Kasi wala na naman si tatay. “Nagbibigay pa rin naman ako maski paano kay nanay pero sinasabi ko sa mga kapatid ko na tulungan namin si nanay kasi iisa na lang ang magulang namin.

Dati talaga hirap na hirap ako kasi nagpapagawa ako ng bahay, ngayon hindi na.  Ngayon may sarili na akong bahay, invite ko sila at watch na lang kami ng movie.”

Samantala, mala-Ikaw Lamang (serye ng Dos) ang buhay ni Rochelle dahil haciendera pala siya ng tubuhan sa Iloilo na pag-aari ng boyfriend niyang si Arthur ang lupa, “Nagrerenta ako sa lupa ni Art na tinaniman ng sugar cane.

Ako ‘yung nagre-rent sa kanila kasi si Art ayaw niya. Sabi ko nga sa kanya, kikita ako diyan sa tubuhan ng malaki. “Kasi siguro si Art, doon siya lumaki, so nagsawa, nasanay lang siya na anytime nandiyan lang (lupa) kung gusto niyang bumalik,” kuwento ng dalaga.

Nag-umpisa naman daw sa konting ektarya si Rochelle, “Maliit muna kasi nakakatakot kapag malakihan agad. Sa ngayon mayroon na kaming 16 hectares at isang 5 hectares.

Magkakaiba kasi at nakapag-harvest na kami last month (Marso), hindi pa ROI (return of investment) kasi malaki ‘yung inilabas kong pera

“Madali lang naman tumubo ang tubo kasi maganda naman ang lupa roon (Iloilo).  Kinuha ko lang land, pero ngayon ang dami ng tubo, sa umpisa lang naman mahirap, pero pag nag-start na, madali na,” say ni Rochelle.

Ang nagma-manage raw ng tubuhan ni Rochelle ay ang daddy ni Art, “Kasi si tito (tawag ni Rochelle sa daddy ng boyfriend)bilang nag-uumpisa palang kami, tinutulungan niya kami.  Kung baga, nakikisabay lang kami ni Art.”

First time ni Rochelle na magnegosyo ng ganito kalaki at nu’ng maglabas daw siya ng puhunan, “Hindi ko na ini-expect na babalik, kasi negosyo yan, eh. Hindi naman lahat kasi kumikita sa pinasukang business.”

Ang nag-encourage raw kay Rochelle na magnegosyo ay ang boyfriend pero hindi raw ang tubuhan ang suggestion nito, “Ayaw niya ang tubuhan, kasi nga siguro lumaki siya roon, kung baga nagsawa na.

Lumaking kaya niyang makuha lahat like anytime gustong magpakatay ng baka, puwede, lahat ng gustong kainin, puwede.
“So nagpunta ng Maynila kasi ayaw na ni Art ng ganu’ng buhay, gusto niya ibang challenge.

E, sabi ko, kapag nabuntis ako, gusto ko doon tayo sa Iloilo, parang ako ‘yung doon lumaki, di ba?  Gusto ko kasi doon magbuntis, gusto kong i-feel o namnamin ‘yung nine months.

“So, out sa showbiz muna ako during buntis ako, kaya ngayon, magtatrabaho muna ako habang hindi pa ako buntis.  Ganu’n ako mag-isip,” diretsong sabi ng dalaga.

Gaano na kayaman ngayon si Rochelle Pangilinan? “Wala pa, lahat nakalabas,” mabilis na sabi ng aktres. Maraming negosyo si Rochelle dahil kasosyo rin siya sa Reluxe Spa na pag-aari rin ng manager niyang si Perry Lansigan, pati sina Dingdong Dantes, Arthur at iba pang PPL talents.

“Ngayon nalilibang din akong gumawa ng juicing, detox,” dagdag pa ng dalaga. At may supplier daw siya ng green vegetables na galing Baguio na ginagawa niyang juice na ibinebenta niya sa mga kakilala.

“Wala kasi akong magawa sa bahay kapag wala akong tapings,” katwiran ng dalaga. “Carmela lang kasi ang project ko at Sunday All Stars,” sabi sa amin.

Tinanong namin kung sino ang bida sa Carmela at binanggit nga niyang si Marian Rivera, sabay tanong namin kung ano ang katapat nitong programa sa ABS-CBN.

“Naku, hindi ko alam, hindi kasi ako nanonood ng TV,” natawang sabi niya sa amin. Kaloka! Hindi pala pinapanood ni Rochelle ang show niya sa Siyete, “Ha-hahaha! Wala kasi akong ginawa sa bahay kundi magtadtad ng gulay at prutas para sa juicing,” katwiran niya sa amin.

Samantala, kasama rin si Rochelle sa indi film na Asintado kasama ang kapatid niya sa PPL na si Gabby Eigenmann na ipalalabas sa Hulyo.

“First indie film ko at kontrabida ako. Luka-luka ako roon at jowa ko rito si Raymond Bagatsing na sobrang in-love kaya nagawa kong pumatay ng tao para lang sa kanya.

Bale may saltik ako sa movie, talagang inaral ko ang role ko,” kuwento ni Rochelle. Samantala, bihira na raw sumayaw ngayon si Rochelle at out of town na lang daw ang tinatanggap niyang projects.

“Pang-maintenance lang, nakakabuhay naman,” sabi pa ni Rochelle na kitang-kita ang kaligayahan ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to rochellepangilinanfanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending