Mga mata ni Maja kasumpa sumpa; mukha, nguso ni Andi nakakabwisit | Bandera

Mga mata ni Maja kasumpa sumpa; mukha, nguso ni Andi nakakabwisit

Ambet Nabus |April 17,2014
facebook
share this

Mga mata ni Maja kasumpa sumpa; mukha, nguso ni Andi nakakabwisit

Ambet Nabus - April 17, 2014 - 03:00 AM

Still on Andi, mukhang after Maja Salvador na sobrang gusto ngayong sapakin, sabunutan at kalbuhin ng mga veiwers ng The Legal Wife, eh mukhang siya ngayon ang bagong kaiinisan sa Dyesebel.

Akala namin ay bongga na ang pagkainis namin kay Bangs Garcia dahil sa inaapi nito si Anne Curtis as Dyesebel, pero mukhang si Andi ang mas higit na magiging kontrabida bilang si Betty.

Late na naming na-discover na si Betty nga pala yung tao na sa huli’y naging sirena dahil naging kontrabida siya sa buhay pag-ibig nina Dyesebel at karakter ni Gerald Anderson.

Pero magsisimula pa lang ang pagiging kontrabida ni Andi na sobra lang siguro ang husay para kahit sa mga simpleng paghaba ng nguso nito ay kinaiinisan na namin. ha- hahahaha!

Kung nakakainis ang nguso ni Andi, grabeng kasumpa-sumpa naman ang mga mata ni Maja sa The Legal Wife. Suwabeng-suwabe ang pagka-doble kara nito sa best friend na si Monica (Angel Locsin) at yung kakaibang “libog” ng mga titig at tingin niya kapag playing good husband si Adrian (Jericho Rosales) kay Monica, with matching inggit at selos pa, ha!

Ewan lang kung tinayming sa Mahal Na Araw na ipakita ang pagkakasala nina Adrian at Nicole.  Hay naku, basta kami, kinukulit namin ang production ng The Legal Wife na kailangang may mga mapanood din kaming equally bonggang eksena ng pagsisisi at pagbibigay ng tamang lesson sa mga cheaters and sinners very soon para may makuha namang aral ang viewers, di ba? Ganyan ang epekto ng The Legal Wife sa amin. Ha- hahahaha!!!

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending