Vhong kay Solenn: Seksi at senswal siya, pero hindi bastusin! | Bandera

Vhong kay Solenn: Seksi at senswal siya, pero hindi bastusin!

Reggee Bonoan - April 15, 2014 - 03:00 AM

VHONG NAVARRO AT SOLENN HEUSSAFF

Para sa kanyang kauna-unahang pelikula sa Star Cinema, tampok ang seksing aktres na si Solenn Heussaff sa “Da Possessed” ang pinakamalaking comedy movie na mapapanood ngayong summer season.

Si Solenn ay isang Filipino-French VJ, model, make-up artist, at fashion designer at gumawa siya ng splash sa entertainment industry noong 2010 bilang isang aktres at TV host at pinasok din niya ang music industry bilang isang mang-aawit at recording artist. Ilang pelikula na rin ang pinagbidahan niya at kitang-kita sa kanyang mga pelikula ang kanyang angking talino bilang isang aktres.

Nakapag-establish din Solenn ng isang solid at loyal na fan-base na hanggang-hangga sa kanyang bersatilidad at senswalidad bilang isang aktres.

Maaaring abangan ng mga tagahanga ang nakakalokang side ni Solenn sa “Da Possessed” kung saan makikipagtambalan siya kay Vhong Navarro sa kauna-unahang pagkakataon.

Umiikot ang pelikula sa kakaibang istorya ng ordinaryong si Ramon na nagbalak pumasok sa larangan ng landscape art. Mai-inlab si Ramon sa kanyang seksing boss ngunit magsisimula ang mga problema ng biglang siyang sasapian ng mga espiritu mula sa sa ibang mundo na siyang umpisa ng mga nakakabaliw at nakakalokang mga pangyayari.

“Napakasaya pong katrabaho ni Solenn at para sa akin isa siyang talented at promising komedyana,” ayon kay Vhong. “Mahusay ang kanyang comedic at napakanatural sa kanya na mag-deliver ng linya at gawin yung nakakatawa. Sobra akong impressed sa kanya.”

Si direk Joyce Bernal naman, na siyang nagdirek ng “Mr. Suave” (2003), “D Anothers” (2005) at “Agent X44” (2007) – tatlo sa pinaka-iconic at pinaka-matagumpay na pelikula ni Vhong, ay manghang-mangha sa pagganap ni Solenn.

Aniya, “Napakaseksi at senswal ni Solenn pero nananatili pa ring wholesome ang knayang imahe. Napakagaan niyang katrabaho. Lahat ay kasundong-kasundo ni Solenn. Maganda ang rapport nina Vhong at Solenn bilang mga aktor at mararamdaman talaga sa sinehan ang kanilang chemistry. Hindi niya sineryoso ang kanyang sarili sa pelikulang ito at dahil dito, lalo siyang naging maganda at nakakatawa sa paningin ko.”

Ang kanyang co-actor naman na si John Lapus ay bumilib din kay Solenn. “Effortlessly hilarious siya. Sobrang rebelasyon ang comedic performance niya pelikulang ito. Wala siyang ka-kiyeme kiyeme sa mga comedic scenes niya. Talagang nagluka-lukahan si Solenn at tumodo talaga siya dito.”

Si Solenn naman ay sobrang thrilled na makatrabaho ang Star Cinema sa unang pagkakataon, “Isa po ito sa mga major milestones sa aking career,” sabi ni Solenn. “Napakalaking karangalan po na makatrabaho ko sina Vhong, Direk Joyce, at Star Cinema sa awesome project na ito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa “Da Possessed” ang ilan sa pinakamahuhusay na mga komedyante at character actors na bansa ngayon gaya nina Smokey Manaloto, Empoy, Beverly Salviejo, Lito Pimentel, Joy Viado, Aaliyah Belmoro, Matet de Leon at Joey Marquez.
Ipalalabas ito sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Abril 19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending