Solenn nagpakita ng panty kaya pasado bilang partner ni Vhong | Bandera

Solenn nagpakita ng panty kaya pasado bilang partner ni Vhong

Reggee Bonoan - April 11, 2014 - 03:00 AM

VHONG NAVARRO AT SOLENN HEUSSAFF

SA nakaraang pocket presscon ng pelikulang “Da Possessed” ay si Bb. Joyce Bernal talaga ang target naming interbyuhin dahil masarap siyang ka-tsikahan kasi hindi siya showbiz, di ba bossing Ervin? (Tomohhhh!!! – Ed)

Kita mo nga, inamin niyang kaya natsugi sa ere ang programang ginawa niya sa GMA 7 dahil hindi ito nagri-rate? Sinong direktor ang maglalakas-loob na aminin ang totoong dahilan kaya natsugi ang show nila – wala, nag-iisa lang talaga si Joyce Bernal!

Anyway, sa tanong namin kung maganda ang “Da Possessed”, “Masaya ang pelikula at natawa naman ako sa script,” sagot sa amin tungkol sa latest movie ni Vhong Navarro sa Star Cinema, co-produced ng Regal Entertainment (dahil kay Solenn Heussaff na nakakontrata kay Mother Lily).

Sa palagay niya, kikita ang “Da Possessed”? “Sana, hindi ako sure sa playdate, hindi ako marunong masyado. Pero feeling ko, after ng first week baka (hahataw sa takilya), merong word of mouth,” sagot niya sa amin.

Malaki raw ang production cost ng “Da Possessed”, “Kung pagbabasehan sa cast, malaki kasi maski maliliit na role, may artista (lahat kilala). So feeling ko malaki ang budget,” katwiran ni direk Joyce.

Sa tatlong pelikulang ginawa na nina Joyce at Vhong tulad ng “Mr. Suave”, “Agent X44” at “D Anothers” ay ang huli ang pinakamalaking kinita at sa tingin daw ng direktor ay makakahabol naman ang “Da Possessed” in terms of box-office returns.
Natawa naman kami kung paano napili si Solenn bilang leading lady ni Vhong.

“Nu’ng hindi na puwede si Ellen Adarna, kinagabihan dumating na sa set si Solenn, pinag-look test, tapos nagpakita ng panty, okay na pasok na, saka cool si Solenn,” seryosong sabi ni direk Joyce.

Nabanggit na hindi raw kilala ni direk Joyce si Solenn at kung paano ito umarte dahil hindi raw niya napapanood ito dahil taga-GMA 7.
“Wala akong idea talaga (acting), nakikita ko lang siya sa commercials, sa billboard, wala akong ideya paano siya umarte, hindi pa siya magaling pero marunong siya paano mag-react, hindi pa siya nagbabato (linya), hindi pa siya giver, receiver palang siya,” kuwento ni Joyce sa bagong leading lady ni Vhong.

Natanong din namin ang tungkol sa sinabi ni Solenn na crush talaga niya si Vhong kung totoo o promo lang sa “Da Possessed”?

“Hindi, nu’ng look test nga, nahihiya siya, tinanong ko, ‘Sino bang crush mo sa industriya?’ I was expecting na isasagot niya, Piolo Pascual (iba pang hunk actor ng ABS-CBN), tapos bigla niyang sinabi, ‘yan si Vhong.’

“Kaya nagulat ako, siguro totoo naman ‘yun. Ang type talaga ni Solenn, komedyante, pero ngayon ang boyfriend niya foreigner yata na makakaintindi sa kanya,” kuwento ng direktor.

First time naming makarinig na isang magandang babae na hindi type si Piolo, kasi halos lahat ng artista ay crush ang aktor, di ba bossing? (Ha-hahaha! Mandamay na naman, Reggs? – Ed)

At si Vhong naman daw ay, “Feeling ko, crush din ni Vhong si Solenn, feeling ko. Ewan ko lang ‘yung before (sila magkita).”

Samantala, nakuwento sa amin ni direk Joyce na okay na si Vhong in terms of acting at pagpapatawa nito, bumalik na raw ‘yung dati, pero may napansin lang daw ang direktor.

“Para siyang marshall, malikot ang mata, very attentive ngayon, dati-rati, chillax lang, ngayon malikot, panay ang ikot ng mata.

Tapos may takot siya rito (magkabilang gilid daw ng mukha), hindi ko nga alam baka nagda-drugs na siya. Ha-hahaha!” tumatawang sabi ni direk Joyce.

Sabi namin, baka kasi meron pa siyang trauma, na baka bigla na lang ma sumapak sa kanya tulad ng ginawa sa kanya sa condo ni Deniece Cornejo. “Baka nga,” sabi naman niya sa amin.

“Tapos sa physical (scene), suntukan, medyo takot pa rin siya,” dagdag pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, ipalalabas na sa lahat ng sinehan sa Abril 19, Sabado de Gloria ang “Da Possessed”. Kasama rin sa pelikulang ito ng Star Cinema sina Sweet Lapus, Joey Marquez, Beverly Salviejo, Joy Viado, Smokey Manaloto at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending