Kris gustong makipag-one night stand sa kanyang ‘Mystery Boy’ | Bandera

Kris gustong makipag-one night stand sa kanyang ‘Mystery Boy’

Reggee Bonoan - April 05, 2014 - 03:00 AM


MULI na namang pinag-isip ni Kris Aquino ang manonood ng Aquino-Abunda Tonight noong Huwebes ng gabi dahil sa sinabi niyang, “Nanonood siya ngayon!”

Hypothetical question ni kuya Boy Abunda kay Kris kung sino ang gusto nitong maka-one night stand at sinagot nga na kasalukuyang nanonood ang taong tinutukoy niya.

Dahil masyadong seryoso ang live guest ng show na si Sen. Nancy Binay ay kinulit nina kuya Boy at Kris kung sino ang crush ng senadora at gusto rin niyang maka-one night stand halimbawang dalaga pa siya at walang sabit.

Nagulat kami sa naging reaksyon ng senadora dahil may pagkapilya ang tawa niya at nakiusap siyang huwag na niyang sagutin dahil hindi nga naman maganda iyon para sa estado niya.

Dahil bitin ang sagot ni Sen. Binay kaya ang King of Talk naman ang tinanong ni Kris kung sino ang gusto nitong maka-one night stand na tumanggi ring sumagot.

Kaya nang si Kris na ang tinanong ni kuya Boy ay mabilis itong sumagot ng, “Nanonood siya ngayon!” Tanong tuloy ng entertainment editor na si Dindo Balares sa staff ng Aquino-Abunda Tonight, “Kaloka, ano nang nangyayari sa Aquino-Abunda Tonight at nagiging Rated R na?”

Kaya habang pabalik na ng dressing room niya si Kris ay tinanong namin kung sino ang lalaking tinutukoy niya, “Ha-hahaha! Marami silang nanonood Reggee,” say sa amin.

Sinabayan namin hanggang dressing room ang TV host para kulitin, pero biglang may tumawag sa kanyang cellphone at narinig naming sabi ni Kris, “Nagalit ka ba sa sinabi ko (nanonood siya ngayon)?

May kausap kasi ako kaya hindi ko agad nasagot ang tawag mo? Okay lang bang sinabi ko ‘yun?” Kami na ang nahiya kaya lumabas na kami ng dressing room.

Pero hindi pa rin kami sumuko, tinext namin si Kris kung seryoso siya sa sagot niya tungkol sa one-night stand, ang sagot niya sa amin, “Reggs naman, JOKE ‘yun!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending