Ai Ai-Vilma movie sa MMFF tsugi na, papalitan ng tambalang Vice-Daniel
KUMPIRMADONG hindi pelikula ni Ai Ai delas Alas ang entry ng Star Cinema ngayong 2014 Metro Manila Film Festival kundi ang pelikula nina Vice Ganda at Daniel Padilla.
Yes bossing Ervin, aksidenteng nabanggit sa amin ng taga-Dos na hindi na matutuloy ang pelikula nina Ai Ai kasama ang idolo niyang si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.
Tanda namin noong dumalaw (Enero 1) kami sa burol ng biological mother ni Ms. A sa Columbarium sa Araneta Avenue, Q.C. ay naroon din ang Star Cinema bosses na sina Malou Santos at Olive Lamasan at harapang tinanong ng Comedy Queen kung tuloy na ang pelikula niyang pang-MMFF sa Disyembre.
Umoo si Ms. Malou at biniro pa nga ni Ai Ai na, “Mangako ka sa burol ng nanay ko, Ma’am Malou na pelikula ko ang entry mo sa MMFF 2014” at umoo naman ang big boss ng Star Cinema. Nakaharap pa nga si Direk Wenn Deramas at ilang reporters noon kasama na kami.
Nabanggit din na makakasama ni Ms. A si Gov. Vi, ang magiging papel sana ng komedyana ay empleyado ng Star for All Seasons.
Kitang-kita namin kung gaano kasaya si Ai Ai noong nalaman niyang may entry na siya sa MMFF dahil wala nga siya last year. Pero heto, nabalitaan nga namin na hindi tuloy ang nasabing pelikula dahil pelikula nina Vice at Daniel ang isasali ng Star Cinema.
Alam na kaya ito ng Comedy Queen na umaasa pa naman? Baka naman kasi busy siya sa taping ng Dyesebel bilang si Banak kaya hindi na matutuloy ang pelikula niya? Sabagay, mas malaki ang kita sa serye kaysa sa pelikula, sabi nga ni direk Cathy Garcia Molina.
Anyway, tinext namin si Ai Ai kahapon pero hindi kami sinasagot dahil bisi-bisihan nga siya sa Dyesebel bilang nanay-nanayang sirena ni Anne Curtis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.