Diether 9 na buwan binuro ng ABS-CBN, lilipat sa GMA? | Bandera

Diether 9 na buwan binuro ng ABS-CBN, lilipat sa GMA?

Reggee Bonoan - April 02, 2014 - 03:00 AM


ITINANGGI ng isang malapit kay Diether Ocampo ang tsikang aalis na siya sa ABS-CBN at lilipat sa ibang TV network. Tinanong pa kami kung saan namin ito nabalitaan.

“Walang lipatang mangyayari, ABS pa rin si Diet, kampante siya sa istasyon. Saka si Diether ano ‘yan, loyal ‘yan sa Dos, mahaba naman ang pasensiya niyang maghintay ng project,” sabi sa amin.

Isa pang kaibigan ng aktor ang natanong namin kung nasaan na siya ngayon dahil ang huling TV project pa niya ay ang Apoy Sa Dagat kasama sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban na nagtapos pa noong Hulyo, 2013.

Sa madaling salita ay siyam na buwan nang walang trabaho si Diet. Ano na nga ba ang nangyayari sa career ngayon ni Diether, balik-tanong namin sa kaibigan niya.

Pero naloka kami dahil parang nabingi ang kausap namin at kung anu-ano ang sinasabi na tila wala naman sa topic. Kaya payo namin kay Diether since wala naman siyang ginagawa ngayon, bakit hindi nga niya subukan sa ibang TV network baka sakaling suwertihin siya lalo’t kulang sa artista ang TV5 at GMA 7, di ba bossing Ervin?

(Ikaw talaga Reggs, ang hilig mong mandamay! Ha-hahaha! Hayaan na lang natin kung gusto munang manahimik ni Diet! Baka may mas mahalaga siyang inaasikaso ngayon! – Ed)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending