Vice may isang wish sa kanyang 38th b-day
Ngayong gabi na mapapanood ang birthday celebration ni Vice Ganda sa kanyang Sunday talk show na Gandang Gabi Vice sa ABS-CBN. Siguradong maraming mag-aabang nito dahil napakaraming special guests ng Phenomenal Box-Office star.
Isa na nga riyan ang isa sa mga crush ni Vice, ang TV news reporter na si Atom Araullo, na matagal na niyang gustong maging guest pero laging sablay daw ang schedule nito.
Kaya talagang hiniling niya sa management na gawan ng paraan para makasama niya ang binata sa kanyang birthday special sa GGV.
Ang sabi raw sa kanya ng staff, hindi pa rin pwede si Atom kaya nasorpresa siya nang bigla na lang itong lumabas sa stage ng GGV.
Turning 38 na si Vice bukas, March 31, at wala na raw siyang mahihiling pa sa kanyang kaarawan, wala pa rin siyang naiisip kung paano niya ito ise-celebrate.
Pero kung may isang wish siya na gustong matupad ngayong kaarawan niya, ‘yun ay ang para sa kalusugan ng kanyang ina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.