Ai Ai ayaw munang magkadyowa, pero pwede nang makipag-date | Bandera

Ai Ai ayaw munang magkadyowa, pero pwede nang makipag-date

Reggee Bonoan - March 27, 2014 - 03:00 AM


NATAWA kami sa post ni Ms. Ai Ai delas Alas sa kanyang Instagram account, ito ‘yung picture ni Sam Milby habang pinapanood nila ni Anne Curtis na naka-harness noong para sa shooting ng Dyesebel.

Hirap na hirap kasi ang aktor sa nasabing eksena dahil tila may naiipit nga sa loob ng kanyang buntot bilang isang sireno, tulad nga ito ng titulo mo dito sa BANDERA nu’ng isang araw, bossing Ervin. He-hehehe!

Nauna na kasing nakunang naka-harness sina Ai Ai at Anne at talagang kahit sila ay hirap na hirap kaya nang si Sam naman ang sumalang sa harness, talagang tawa nang tawa ang mag-inang Banak at Dyesebel.

Ayon sa caption ni Ai Ai, “Si Sam milby naman ang nag-dusabel hahaha, tawang tawa kami ni baby girl Anne hehehe tapos na dusa namin kanina siya naman ngayun, good luck Sammy, #mahirapkumitangpera, #teamdusa, #teamdedicationsawork, #teamhappy.”

Samantala, sa edad na 30 ay aminado si Sam na kailangan na niyang paghandaan ang kanyang kinabukasan lalo’t dumarami na ngayon ang baguhang batang aktor.

Katwiran nga ng manager ni Sam na si Erickson Raymundo, “Iba ang cycle ngayon, pabata nang pabata ang mga artista ngayon, kaya siguro kailangan mong gumawa ng something na matatandaan ka ng tao para hindi ka makalimutan.”

Alam naman daw ito ni Sam kaya nga pinasok na rin niya ang pagnenegosyo. Kamakailan ay nagbukas ulit siya ng bago niyang negosyo, ang Third District Coffee Shop sa may Esteban Abada Street, Loyola, Quezon City na nasa gilid ng Shakey’s.

Dalawa na ang negosyo ni Sam, ang Prost Restaurant sa may Fort Strip, Bonifacio Global at itong coffee shop, kung saan kasosyo rin niya ang kaibigang si Dominic Hernandez.

Bakit coffee shop ang napili ng aktor bukod sa mahilig siyang mag-kape, “Actually, I was invited by Dom to put this coffee shop, kasi ‘yung dating restaurant nilang Kebab, ‘yun ‘yung puwesto ngayon ng Third District, sabi niya, ‘sama kita.’

“Nag-aral ako ng crash course sa Hongkong para may alam kami sa kape, sa basics ng kape like kinds of coffee,” kuwento ng aktor.Kapag hindi raw busy si Sam ay pumupunta siya sa Third District para i-check kung kumusta na ang takbo ng kanyang bagobg business.

“Nakakagulat kasi wala pang one-week soft opening palang, maraming tao parati, we open at 7 a.m. then we closed by 11 p.m. at maraming tao, so nakakatuwa,” masayang sabi ni Sam.

At kapag hindi raw busy si Sam ay nasa coffee shop siya at suma-sideline bilang barista, sabay tsika na rin sa mga customer na nagpapa-picture sa kanya.

Ano naman ang pagkakaiba ng Third District sa ibang coffee shops na naroon? “Punta ka para malaman mo,” sabi sa amin ni Sam. “Actually, it’s the feeling, especially the other coffee shop, automatic (amoy kape), ‘yung sa amin, iba ‘yung lasa ng kape, if you’re a coffee lover, you’ll taste the difference.

“‘Yung coffee bean namin, galing Vancouver (Canada), it’s not a local coffee, kami lang ang distributor dito sa Pilipinas ng coffee roasters, ito ‘yung 49th Parallel sa Vancouver, you can check it out.

“It all started when my business partner Dom was in Vancouver at natikman nga niya ‘yung coffee na ibang lasa, at nagkataon na nandoon ‘yung owner sa shop ng 49th Parallel so nag-inquire siya kung puwedeng dalhin dito ‘yung coffee nila.

“Like any other coffee shops, we don’t offer caramel macchiato or iba’t ibang flavors ng coffee. Sa Third District, we only have, black coffee, iba ‘yung beans. Kung gusto mong milky coffee, meron.

‘Yung espresso, café latte, cappuccino, ‘yun lang offer namin, walang dagdag na ibang flavor. “On the side, meron kaming offer na gelato ice cream, it’s home made at laging ubos ‘yun.

And one of the bestseller also vanilla ice cream with a shot of espresso. Kasi di ba mapait ‘yung espresso, pag hinalo mo na ‘yung vanilla, sakto ‘yung taste, ‘yung bitterness ng espresso sa tamis ng vanilla,” pagmamalaki ng aktor.

O, sige, isa sa mga araw na ito bossing Ervin, go tayo, libre mo ako ha?! (Ikaw ang nagyaya Reggs, kaya ikaw ang mag-treat! Now na!  – Ed)

Samantala, speaking of Ai Ai, dinenay nito  na meron na siyang bagong boyfriend, aniya, single and happy siya ngayon at nakikipag-date na rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi pa kasi siya handang pumasok sa isa na namang seryosong relasyon, at dagdag niya, malapit na rin niyang makumpleto ang “healing process” matapos ang mala-bangungot na relasyon nila ni Jed Salang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending