Enchong Dee nakunan ng hubo't hubad, biglang tinakpan ang Bird | Bandera

Enchong Dee nakunan ng hubo’t hubad, biglang tinakpan ang Bird

Reggee Bonoan |March 23,2014
facebook
share this

Enchong Dee nakunan ng hubo’t hubad, biglang tinakpan ang Bird

Reggee Bonoan - March 23, 2014 - 03:00 AM


Si Enchong Dee nga ba ang lalaking nakunan nang nakahubad na kasalukuyang pinag-uusapan ngayon sa social media?
Nakatanggap kami ng tawag mula sa mga kaibigan namin sa ibang bansa at tinanong kami kung anong nangyayari kay Enchong dahil nagpakuha itong nakahubad at hawak lang ang pribadong parte ng katawan para hindi makita.

Tinanong namin kung saan nila ito nakita at kaagad kaming pinadalhan ng link nito sa internet  kung saan naka-picture ang isang lalaking kalahating katawan ay nakatalikod at nakaharap na hawak ang private part para hindi makunan ng litrato.

Medyo blurred ang kuha pero kahulma nga ni Enchong ang lalaki pero hindi kami naniniwalang ang aktor nga ito dahil puwedeng kamukha lang niya.

Ngunit kung si Enchong nga ang nasa picture malamang may nagbiro sa kanya dahil base sa pagkakakuha ay gulat na gulat ang reaksyon nito.

Samantala, tinext namin ang handler ni Enchong pero hindi kami sinasagot. Sinubukan din naming tanungin ang ilang kaibigan ng aktor, pero wala rin kaming nakuhang reply mula sa mga ito.

Hindi naman siguro ito promo para sa upcoming movie nila ni Erich Gonzales dahil tingin namin hindi ito magandang publicity dahil hindi naman sexy actor ang image ni Enchong.

Anyway, ano nga ba ang next TV project ngayon ng aktor? Huli pa siyang napanood sa Ina Kapatid Anak. Ang balita namin, pahinga muna sa paggawa ng soap opera si Enchong dahil nagsunud-sunod nga ang serye niya last year at itong movie nga muna nila ni Erich ang focus niya ngayon under Star Cinema pa rin.

Ayon sa nabasa namin, natigil muna sandali ang shooting ng nasabing pelikula pero this week ay magre-resume na rin kaya kapag nakakita kami ng pagkakataon tatanungin namin si Enchong tungkol sa nude picture niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending