Dyesebel ni Anne hahakot ng turista sa Pinas
Habang tinitipa namin ang kolum namin ay nakatanggap kami ng tawag at nagtatanong kung sinu-sino raw ‘yung mga gaganap na batang Anne Curtis, Sam Milby at Gerald Anderson sa fantaseryeng Dyesebel na nagsimula na kagabi.
Actually, napaisip din kami bossing Ervin dahil parang hindi naman ipinakilala kung sinu-sino ‘yung mga bagets sa Dyesebel kumpara sa Ikaw Lamang na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Alyanna Angeles at Louise Abuel bilang mga batang Coco Martin, Julia Montes, Jake Cuenca at Kim Chiu.
Dahil kaya hindi kilala ang mga bagets na gumanap sa Dyesebel kaya wala silang name sa press release? Hmmmm, teka, hindi kaya isa sa magulang ng mga nasabing bagets ang tumawag sa amin na kunwa’y tinatanong para masulat ang mga pangalan nila? Why not?
Oo nga naman, sana ipakilala rin sa press kung sino ang gaganap na young Dyesebel, at mga batang Liro (Gerald) at Fredo (Sam).
Samantala, maraming naniniwala na malaki rin ang maitutulong ng Dyesebel sa usaping turismo ng bansa, ayon kay Anne, tiyak na mag-eenjoy ang viewers sa mga underwater scenes nila at sa iba pang lugar kung saan kinukunan ang serye.
Sey ni Anne, “We have a great team na inalagaan ang bawat shots, sinigurado na lahat ng makikita niyo sa ilalim ng tubig. It’s something that you can share, for tourism as well because we have such beautiful corals so why not share it with the world. Our cinematographers, for underneath the water, mga award winning.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.