Mga empleyado ng GMA at TV5 nanonood din ng Ikaw Lamang | Bandera

Mga empleyado ng GMA at TV5 nanonood din ng Ikaw Lamang

Reggee Bonoan - March 16, 2014 - 03:00 AM


TALK of the town ang master-seryeng Ikaw Lamang nina Coco Martin, Jake Cuenca, Julia Montes at Kim Chiu produced ng Dreamscape Entertainment dahil kahit na ang mga taga-ibang TV network ay pinapanood ito.

In-house scriptwriter ng GMA ang nakatsikahan namin, ang sabi niya, “Uy, ang galing ng mga bata sa Ikaw Lamang, nakakabilib ‘no? Ang galing talaga ng ABS mag-discover ng mga batang artista.”

Sagot namin sa kanya, dumaraan din sa matitinding workshop ang mga artista ng Dos, hindi lang sila basta na-discover, bonus na lang na may mga itsura rin sila.

Sagot ng aming kausap, “Oo nga, ang gagaling talaga, lalo na ‘yung Zaijian (Jaranilla), ang galing-galing.  Sana magtuluy-tuloy siya.”

At dito ka magugulat bossing Ervin dahil empleyado na mismo ng GMA ang umamin sa amin, “Kami nga sa bahay, Ikaw Lamang at Honesto pinapanood namin kasi may values lalo na sa mga pamangkin ko na bata.”

Anyway, talo na naman ang Kambal Sirena ng GMA dahil halos kalahati ang lamang ng Honesto sa ratings game na nagtala ng 35.5% ang huli at 16.2% naman ang una.

At ang Ikaw Lamang ay nakakuha ng 30.6% kumpara sa Carmela na 16.8% ayon  sa National Kantar (Marso 13). Natawa naman kami sa reaksyon ng isang TV5 executive, “Kuntento na kami sa nakukuha namin at ang concerned namin ay ang aming loyal viewers kasi magaganda ang feedback nila sa new shows namin like Confessions of A Torpe, nakakagulat na napapanood pa rin maski katapat nila ‘yung taga-kabila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending