Ai Ai mas gustong magpa-interview kay Boy kesa kay Kris
Sa Dyesebel presscon pa rin noong Huwebes ng gabi, panay ang pakiusap ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa media na dumalo sa presscon na huwag na siyang tanungin tungkol kay Kris Aquino dahil humahaba lang daw ang isyu.
Sumama kasi ang loob ni Ai Ai sa dating BFF noong namatay ang biological mother niyang si Gng. Gloria Hernandez last year, hindi man lang daw nagawang mag-condolence ni Kris sa kanya na wala sa bansa noon, sana man lang daw ay nagpadala ito ng bulaklak.
Bagama’t humingi na ng dispensa si Kris kay Ai Ai ay hindi pa rin nawawala ang sama ng loob ng komedyana. Kaya ang request ni Ai Ai, huwag na siyang tanungin tungkol dito dahil humahaba lang ang isyu.
Natanong din kung willing siyang mag-guest sa programang Aquino-Abunda Tonight? “Oo, willing naman ako. Willing naman ako, oo naman, wala naman sa akin ‘yon.
Alam naman natin na marami kaming pinagsamahan ni Kris. Pero mas maganda kung si Boy (mag-interview) na lang, oo siyempre ama ko yon. Huwag kayong ganyan, intrigera kayo,” say ni Ai Ai.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.