Paulo tuloy pa rin ang panliligaw kay Kc | Bandera

Paulo tuloy pa rin ang panliligaw kay Kc

Reggee Bonoan - March 01, 2014 - 03:00 AM


HINDI pa man natatapos ang Honesto ng child wonder na si Raikko Mateo ay heto’t may kasunod na ulit siyang TV project, ang Wansapanataym na mapapanood sa buong buwan ng Abril dahil naniniwala ang Dreamscape Entertainment na maraming makaka-miss sa bagets kapag natapos na ang kanyang teleserye.

At tila hindi pa pumapasok sa isipan ni Raikko na sikat na siya dahil nu’ng tanungin siya kung ano ang nararamdaman niya ngayong matatapos na ang Honesto ay kaswal lang niyang sinabing, “Masaya po.”

Kasi naman ang tanging pangarap lang ni Raikko ay mapanood ang sarili sa telebisyon na natupad na. Natutuwa nga ang mga kasamahan niya sa serye dahil sa tuwing matatapos kunan ang eksena niya ay agad niyang pinapanood sa monitor ang sarili.

Hindi rin pala aware si Raikko na nag-trend sa kapwa niya bagets ang pagsusuot ng bonnet na maski tirik ang araw ay naka-bonnet. Sabi ng mga bata, idol kasi nila si Honesto kaya ginagaya nila.

Samantala, bukod sa bonnet-trending ni Raikko ay malaking factor din na maganda ang istorya ng Honesto kaya ito nananatiling number one sa primetime na kahit anong itapat na programa ay hindi natitinag.

Maganda ang naidulot na advocacy ng programa dahil sa tema nito – ang pagiging honest, sa katunayan ay marami tayong kababayan sa ibang bansa na binigyan ng parangal dahil sa kanilang pagiging matapat.

Samantala, mukhang hindi pa rin sumusuko si Paulo Avelino sa panliligaw kay KC Concepcion. Sa ibinatong tanong sa Kapamilya actor kung kumusta na sila ng TV host-actress, naging matipid ang sagot nito.

Ayon kay Paulo, tuluy-tuloy pa rin naman daw ang komunikasyon nila ni KC, pero sa ngayon, pareho  silang busy. Si KC ay nasa Amerika ngayon at nagpapatuloy sa pag-aaral, habang sunud-sunod naman ang proyekto  ng hunk actor.

“Kasi di ba, baligtad ang oras dito sa atin at sa US, kaya mahirap din ‘yung communication namin, pero okay naman po kami. At masasabi ko naman pong inspired ako ngayon,” biting pahayag ng binata.

( Photo credit to E Santiago )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending