Coco, Kim napasabak agad sa halikan sa Ikaw Lamang | Bandera

Coco, Kim napasabak agad sa halikan sa Ikaw Lamang

Reggee Bonoan - February 27, 2014 - 03:00 AM


FINALLY, magkakasama na rin ang Hari at Prinsesa ng Teleserye na sina Coco Martin at Kim Chiu sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Ikaw Lamang. “Nakakatuwa na pagkatapos ng ilang taon, magkakasama ulit kami ni Kim sa teleserye.

Sobrang excited ako. Matagal-tagal na rin kasi mula nu’ng nagkatrabaho kami sa Tayong Dalawa at Kung Tayo’y Magkakalayo,” saad ng aktor.

Kuwento  ni Coco, unang eksena pa lang nila ni Kim ay kissing scene na agad ang kinunan, para raw siguro pang-break ng ice sa set. Pero okay naman daw ang kinalabasan ng eksena kahit na inatake sila ng nerbiyos ni Kim.

Magkahalong saya at kaba naman ang nararamdaman ni Kim sa pagsisimula ng Ikaw Lamang nila ni Coco. Huling napanood sa primetime TV si Kim sa hit family series na Ina Kapatid Anak samantalang si Coco ay bumida sa superhero-serye na Juan dela Cruz.

“Siyempre sa lahat naman po ng project kinakabahan ako, lalo na po rito sa Ikaw Lamang. Ang huhusay ng lahat ng mga artistang kasama namin.

Masasabi kong ito ang pinaka-challenging na role at project na ibinigay sa akin,” saad naman ni Kim. Kuwento ito ng pag-iibigan ng magkababatang sina Samuel (Coco) at Isabelle (Kim) na susubukin sa paglipas ng panahon at gulo sa pagitan ng kanilang mga pamilya.

Makakasama rin nina Coco at Kim sa Ikaw Lamang sina Jake Cuenca at Julia Montes. Ka-join din sina Ronaldo Valdez, Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Cherie Gil, John Estrada, Daria Ramirez, Meryl Soriano, Spanky Manikan at Lester Llansang.

Gaganap naman bilang mga batang Coco, Kim, Jake at Julia ang Kapamilya child stars na sina Zaijian Jaranilla, Louise Abuel, Alyanna Angeles at Xyriel Manabat mula sa direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

Ito ang pinakabagong obra ng Dreamscape Entertainment Television na siya ring lumikha ng Juan dela Cruz, Ina Kapatid Anak, ang phenomenal drama series nina Coco at Julia na Walang Hanggan.

Huwag palampasin ang pagbubukas ng kwento ng Ikaw Lamang ngayong Marso 10 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

( Photo credit to E Santiago )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending